Nananatiling mataas pa rin ang bilang ng mga biktima ng Covid19 sa Italya. Sa katunayan, muling nagtala ng 846 biktima sa huling 24 oras, tumaas ng 1.3% kumpara sa naitala kahapon na 491. Ang mga biktima ng Covid19 ay umabot na sa kabuuang bilang na 65,857.
Nananatiling pinakamataas sa buong Europa ang bilang ng mga biktima ng covid19 sa Italya, na sinundan ng Uk na may bilang na 64,908.
Ayon sa Ministry of Health, sa huling 24 oras ay muling nagtala ng pagtaas sa 14,844 ang mga bagong kaso ng Covid19 kampara kahapon (Dec 14) na 12,030.
Mula sa simula ng pandemya 1.870,576 ang mga confirmed cases sa Italya. May 21,799 na naitalang gumaling sa huling 24 oras at may kabuuang bilang na 1.137,416. Ang mga active cases sa kasalukuya ay 667,303.
Nananatiling Veneto region ang nangungunang rehiyon sa Italya sa bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus. Sa katunayan ay nagtala ng 3,320 mga bgaong kaso sa huling 24 oras ang nasabing rehiyon. Ito ay sinundan ng Lombardia na nagtala ng 2,404; Emilia Romagna 1,238; Lazio 1,159; Piemonte 1,106; Sicilia 1,087 at Puglia 1,023.
Ayon sa mga ulat ang Rt index ay muling bahagyang tumaas. Sa katunayan ngayong araw ay 0.89 habang sa ilang nakaraang araw ay 0.82 lamang.