in

Bonus Affitti 2021, pinalawig ang deadline ng aplikasyon

Nag-anunsyo ng pagpapalawig o extension ng deadline para sa Bonus Affitti 2021 ang Agenzia delle Entrate. Layunin ng Bonus Affitti 2021 ang bawasan ng mga may-ari ang halaga ng renta ng mga paupahang bahay/apartment at ito ay magpapahintulot sa mga may-ari na matanggap ang isang non-repayable grant. Narito ang mga detalye.

Bonus Affitti 2021

Inihayag ng Agenzia dell’Entrate na ang mga owner ng mga paupahang bahay na nagpasyang bawasan ang buwanang upa para sa taong 2021 ay maaaring mag-aplay ng Bonus Affitti 2021 hanggang October 6, 2021, sa halip na hanggang Sept. 6 lamang.  Ang bonus ay nagpapahintulot sa hanggang 50% ng ibababang halaga ng renta at maaaring umabot hanggang €1.200.00. 

Gayunpaman ay kailangang maghintay hanggang 2022 upang malaman ang tunay na halaga ng bonus 2021, na depende rin sa halaga ng pondo at kabuuang halaga ng mga aplikasyon. Ang layunin ay ang mapahintulutan ang higit na bilang ng mga aplikante na makikinabang sa bonus. 

Paano mag-aplay ng Bonus Affitti 2021? 

Upang matanggap ang bonus ay kailangang sundin ang proseso online sa website ng Agenzia delle Entrate. Kakailanganin ang SPID, CIe (Carta di identità elettronica), Entratel/Fisconline o CNS (carta nazionale dei servizi) sa access. Piliin ang Contributo a fondo perduto per la riduzione dell’importo del canone di locazione, na matatagpuan sa Servizi per Comunicare. 

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa website ng Agenzia dell’Entrate.

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 4.4]

Babalik sa Italya matapos ang deportasyon, pinahihintulutan ba?

Overstay sa Italya, magkaka-problema ba sa paglabas ng bansa?