Aprubado ang Bonus Badante 2019 sa Lombardia na nagkakahalaga ng 3M. Ito ay isang benepisyo na nakalaan sa mga pamilya na mayroong caregiver upang alagaan ang matatanda sa pamilya.
Ang bonus ay hahatiin sa ganitong paraan:
– 900,000 para sa Comune
– 2.1 M para sa mga employers ng mga caregivers; miyembro ng pamilya na nangangailangan ng serbisyo kahit hindi kapisan o hindi kasama sa iisang bahay ay mayroong:
- ISEE na katumbas o mas mababa sa € 25,000;
- ang caregiver ay may regular na kontrata;
- ang employer ay residente sa Lombardy region ng hindi bababa sa 5 taon.
Ang bonus ay may layuning pagtagpuin ang supply at demand pati na rin ang hadlangan ang ‘lavoro nero’ sa nabanggit na rehiyon. Sa katunayan, ito ay tumutukoy sa mga pamilya na kailangan ang eksperto sa caregiving at kasabay nito ang pamumuhunan ng Comune na tugunan ang napiling pondohang pangangailangan sa rehiyon.
Samantala, ipinagkakatiwala naman sa Agenzie di tutela della salute o Ats ang pagbibigay at distribusyon ng budget at pagsusuri sa requirements na tatanggap ng pondong kinalkula ayon sa datos ng Istat ng mga residenteng over 65.
Bukod sa halagang nabanggit ay may karagdagang 1.5M na nakalaan upang simulan ang experimental period ng “Fattore famiglia Lombardo”.
“Sa pamamagitan ng isang deliberasyon ay sisimulan ang experimental period ng bonus na layuning alamin at palawakin pa ang mga beneficiaries sa pamamagitan ng mga pagsusuri ng iba’t iang sitwasyon at antas ng pangangailangan ng mga pamilya gamit ang mga partikular na kriteryo. Halimbawa, ang pamilya na tumatanggap na ng tulong o benepisyo para sa isang miyembro na may disabilities, kung nagtataglay ng mga requirements ay makakatanggap din ng karagdagang tulong pinansyal”, paliwanag ni Regional Assessor Silvia Piani.
Ang mga aplikasyon ay isusumite sa counter sa pamamagitan ng isang online regional system, ang dating SIAge.
Ang bonus, nahahati sa dalawang bahagi, at ibibigay sa mga pamilya matapos ang pagsusumite ng mga dokumento na magpapatunay ng totoong ginastos ng pamilya sa pamamagitan ng kinakailangang pagsusuri.