in

Bonus bici e monopattini 2022, paano mag-aplay?

Paano mag-aplay sa Agenzia dell’Entrate, kailan dapat mag-aplay at anu-ano ang mgarequirements. Narito ang mga dapat malaman ukol sa bonus mobilità 2022 para sa bike, electric scooter, bus subscription at sharing.

Muling nagbabalik ang bonus mobility 2022, sa ikalwang edisyon nito. Ito ay tumutukoy sa isang diskwento sa buwis hanggang €750,00 para sa pagbili ng electric scooter, bike (tradisyonal o electric), abbonamento bus o gumamit ng mga serbisyo ng sharing. Ito ay iba sa unang edisyon ng bonus at mayroong mahigpit na mga requirements sa pag-aaplay. 

Bonus Mobilità 2022, narito ang proseso

Ang bonus mobilità 2022 ay inilunsad ng Decreto Rilancio noong 2020 at para makapag-aplay nito, sa unang edisyon ng bonus, ay kailangang nakabili na ng electric scooter, bike (tradisyonal o electric), abbonamento bus o gumamit ng mga serbisyo ng sharing, simula August 1 hanggang December 31, 2020. 

Ngayong 2022 ay nakalaan ang 5 milyong pondo para dito. Walang required ISEE at maaaring mag-aplay lahat ng mga residente sa bansa na makakatugon sa mga requirements.

Ang bonus para sa pagbili ng electric scooter, bisikleta (tradisyonal o electric e-bike), subscription sa bus o mga serbisyo ng sharing ay nagkakahalaga hanggang € 750 bilang tax credit.

Upang mag-aplay nito ay kailangang mag-trade-in ng sasakyan, isang M1 category (hanggang 9 seater) upang bumili ng low-emission vehicle (mula 0 hanggang 110 g/km), bago o kahit slightly used, sa panahon pa rin ng August 1 hanggang December 31, 2020. Ang tax credit o credito d’imposta ay kikilalanin sa dichiarazione dei redditi. 

Bonus Mobilità 2022, paano mag-aplay sa Agenzia dell’Entrate

Inanunsyo ng Agenzia dell’Entrate na ang bonus mobilità 2022 (bike, e-scooter, bus subscription, sharing) ay maaari lamang i-aplay online mula April 13 hanggang May 13, 2022 sa pamamagitan ng pagsagot sa isang form sa website ng Agenzia dell’Entrata. Ang aplikasyon ay maaaring gawin ng personal, sa Area Riservata, gamit ang SPID. Maaari ring magtungo sa commercialista o sa caf

Isang komunikasyon ang ipapadala sa loob ng 5 araw kung saan nasasaad kung ang aplikasyon ay tanggap ba o tinanggihan. Sa kasong ito ay tinanggihan ay posibleng magsumite ulit ng bagong aplikasyon. 

Hanggang May 23, 2022 ay makakatangap ng komunikasyon ukol sa halaga o percentage ng matatanggap na bonus. 

Bisitahin ang website ng Agenzia dell’Entrate para sa karagdagang impormasyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 2.6]

Permesso di soggiorno per cure mediche, kanino ibinibigay? Narito ang mga dapat malaman. 

DIVE PHILIPPINES, Matagumpay na Booth sa FIERA BOLOGNA