Ang bonus Cultura na nagkakahalaga ng 500 euros ay may layuning palalimin ang kultura ng mga mag-aaral.
Matapos ang ilang buwang paghihintay ay muling nagbabalik ang bonus cultura para sa mga kabataang papasok sa adulthood o ang mga magiging 18 anyos sa taong 2017.
Sinimulan noong nakaraang taon para sa mga ipinanganak sa taong 1998, ang bonus ay nagkakahalaga ng € 500 at nakalaan sa lahat ng mga residenteng kabataan: Italian, European at maging non-European na mayroong regular na permit to stay.
Ito umano ay isang ‘handog’ para sa mga mag-aaral ayon sa Council of Ministers at Ministry of Cultural Heritage and Activities and Tourism na noong nakaraang September 18, 2017, matapos ilathala sa Offiicial Gazzete – ang bonus cultura ay pinalalawig at ibinibigay rin sa mga mag-aaral na magiging 18 anyos ngayong taon at samakatwid ay mga ipinanganak noong 1999.
Ang bagong bonus, hindi katulad noong nakaraang taon na maaaring gamitin lamang sa panonood ng konsyerto, ngayong taon ay maaari ring gamitin ng mga kabataan sa pagbili ng mga music albums at maging sa pagpasok sa music, theatre at foreign language courses.
Para sa mga ipinanganak sa taong 1999, ang aplikasyon ay maaaring isumite hanggang June 30, 2018 at ang bonus na nagkakahalaga ng € 500 ay maaaring gamitin o gastusin hanggang December 31, 2018.
Basahin rin:
Paano mag-aplay ng Bonus Cultura?