in

Bonus Psicologo 2024! Simula ng aplikasyon sa March 18

Ang bonus Psicologo ay isang tulong pinansiyal hanggang €1,500 euro at ito ay ibinibigay para sa psychotherapy expenses. Ang nabanggit na bonus ay pinalawig ng Budget law 2023 at maaari nang mag-submit ng application para sa taong 2023, simula March 18, 2024 hanggang Mayo 31, 2024

Upang matanggap ang Bonus Psicologo 2024 ay kakailanganin ang mga sumusunod:

  • ISEE 2024, ordinario o corrente at hindi dapat mas mataas sa halagang €50,000;
  • Residente sa Italya sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon;
  • Sumasailalim sa psychotherapeutic treatment sanhi ng depression, anxiety, stress, psychological fragility, at dahil sa pandemic at socio-economic crisis.

Bonus Psicologo: Aplikasyon

Ang aplikasyon ay kailangang gawin online sa website ng Inps simula March 18  hanggang May 3, sa category ng ‘servizio’: Contributo sessioni psicoterapia

Ang aplikasyon ay maaaring isumite:

  • gamit ang sariling pc sa pamamagitan ng SPID, CIE, o CNS;
  • sa tulong ng mga patronati;
  • sa pamamagitan ng contact center sa numero 803164 para sa landline o 06164164 para sa mobile phone.

Paano malalaman ang resulta ng aplikasyon para sa Bonus Psicologo 2024?

Para malaman kung makakatanggap ng Bonus Psicologo ay kailangang hintayin ang ilalabas ng INPS na listahan ng mga qualified beneficiaries sa bawat Rehiyon at Lalawigan. Kung sakaling kasama sa listahn, ang INPS ay magbibigay ng isang code na magagamit sa pagkuha ng appointment para sa session sa psychologist. Ipinapaalala na ang bonus ay gagamitin sa loob ng 180 days matapos aprubahan ang aplikasyon. Kung hindi, ay pawawalang bisa ang karapatan sa bonus. 
Mag-log in sa personal account sa website ng INPS para makapili ng psychologist na kasama sa programa. Gamit ang code at ang codice fiscale, ay maaaring hinging ang payment mula sa Inps hanggang maximum na €50.

Ang halaga ng Bonus Psicologo 2024:

  • €1500 para sa mga pamilyang may halagang Isee na hindi hihigit sa €15,000, at may € 50 bawat session;
  • € 1000 para sa mga pamilyang may Isee na nasa pagitan ng €15,001 at €30,000 at may €50 bawat sesyon,
  • € 500 para sa mga pamilyang may Isee na nasa pagitan ng €30,001 at €50,000, para sa maximum na €50 bawat session 
Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Assegno Unico 2024, nanganganib na mahinto! Narito kung para kanino? 

Application forms ng Decreto Flussi 2024, available na!