Nagbabalik ang bonus trasporti ngayong 2023! Matatandaang nag-expire ang bonus trasporti noong nakaraang December 31 ngunit muling nagbabalik at napapaloob sa Decreto Carburanti, na inilathala sa Official Gazette ng January 14, 2023.
Bagaman mayroong mga pagbabago ngayong 2023, ang pagbabalik ng tinatawag na ‘agevolazione’, ay nakalaan sa lahat ng mayroong kita hanggang €20,000 (hindi na €35,000 tulad noong nakaraang taon) ngunit nagkakahalaga pa rin hanggang €60,00.
Samakatwid, ang mga benepisyaryo ay mas kakaunti kumpara sa nakaraang taon at sa katunayan ang budget na inilaan upang kumpirmahin ang bonus ay mas maliit din, nagkakahalaga ng €100M.
Ayon sa Decreto Carburanti, ang voucher na magagamit para sa subscription ng mga public transportation, ay maaaring i-aplay sa pamamagitan ng platform na activated noong nakaraang Setyembre, ngunit kailangang maghintay para sa isang bagong implementing decree para sa buong proseso ng aplikasyon.
Walang anumang kumpirmasyon mula sa Milleproroghe Decree o mula sa Budget Law sa bagong Gobyerno. At tila sorpresa, ito ay inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro at ang depinitibong teksto ay inilathala sa Official Gazette, partikular sa artikulo 4.
Gayunpaman, ito umano ay hindi isang pagpapalawig ng € 60 bonus ng Decreto Aiuti, bagkus ito ay isang bagong bersyon ng bonus batay sa sahod.
Ang Ministry of Labor and Social Policies, kasama ang iba pang mga departments, ay may 30 araw o hanggang February 14, mula sa petsa ng pagkakaroon ng bisa ng bagong probisyon para sa implementing decree. (PGA)
Basahin din:
- Bonus trasporto, ano ito at paano mag-aplay?
- Bonus Trasporto Pubblico, aplikasyon online hanggang December 2022