Ang bonus vacanza ay may mga pagbabago ngayong 2021.
Ang benepisyo na layuning ilunsad muli ang sektor ng turismo, na isa sa higit na naapektuhan ng krisis sa Italya, ay pinalalawig hanggang sa 2022 at ito ay maaaring gamitin ng higit sa isang beses. Ito ay matapos magsulong ng Ministry of Tourism ng susog sa decreto legge Sostegni na naglalaman ng mga pagbabago sa paraan at panahon ng paggamit ng benepisyo.
Bukod sa pagpapalawig nito hanggang June 2022, sa susog ay nasasaad din ang posibilidad na gamitin ang bonus sa pamamgitan ng agenzia di viaggio o mga travel agency o ang magbigay ng awtorisasyon upang magamit ito ng higit sa isang beses sa magkakaibang panahon.
Sa kasalukuyan, ang mga nag-aplay ng bonus vacanza simula July 1 hanggang December 31, 2020 ay maaaring gamitin nag bonus hanggang December 31, 2021. Ito ay magagamit ng isang miyembro ng pamilya lamang at sa iisang pagkakataon lamang, samakatwid, ay gagastusin ang 80% ng bonus at ang natitirang 20% ay para naman sa detrazione ng dichiarazione dei redditi.
Ang susog ay magpapahaba sa validity ng bonus mula 18 buwan sa 2 taon at mapapahintulot na magamit ito ng higit sa isang beses at hindi esklusibong isang beses lamang, kahit sa pamamagitan ng travel agency.
Sa kasalukuyan, ayon kay Tourism Minister Massimo Garavaglia, halos one-third lamang ng pondo ang nagamit at Malaki-laki pa ponding magagamit para sa bonus. (PGA)