Ang sinumang nakapag-apaly ng bonus vacanze 2020 ay extended ang validity nito. Samakatwid, ang sinumang hindi pa nagagamit ang bonus vacanza, ay may pagkakataong magamit ito hanggang December 2021, tulad ng ipinaliwanag ng Agenzia dell’Entrate sa website nito.
Bonus Vacanze 2021
Upang malaman kung maaari ng mag-aplay ng bonus vacanze 2021 ay kailangang hintayin ang paglalathala ng decreto sostegni bis 2021 sa Official Gazette.
Sa bagong dekreto ay inaasahan ang ilang indikasyon para sa turismo, ang pacchetto “Vacanze italiane”, na nakalaan sa mga pamilya na mananatili sa Italya sa panahon ng summer vacation. Bukod dito, inaasahan din sa decreto sostegni bis ang posibilidad na gamitin ang bonus sa pamamgitan ng agenzia di viaggio o mga travel agency para sa isang bakasyon sa bansa.
Ang bonus vacanza 2021 ay inaasahang kapareho noong nakaraang taon. Maaaring gamitin ang 80% ng value sa napiling lugar kung saan magbabakasyon at ang 20% naman ay kikilalanin sa dichiarazione 730 sa susunod na taon, bilang tax credit sa dichiarazione dei redditi.
Maaaring mag-aplay ang mga indibidwal at pamilya na mayroong ISEE ordinario o corrente na hindi lalampas sa € 40,000.
Ang bonus ay nagkakahalaga ng:
- € 150 para sa mga single;
- € 300 para sa mga pamilya na may 2 miyembro;
- € 500 para sa mga pamilya na higit sa 2 ang mga miyembro.
Matatandaang ang bonus vacanze ay tumutukoy sa € 500 voucher na nasasaad sa decreto Rilancio ng Mayo noong nakaraang taon upang muling ilunsad ang turismo sa bansa matapos ang ilang buwan ng lockdown at matulungang maitaguyod muli ang sektor na higit na apektado ng pandemya. Ang bonus ay nakatalagang magamit hanggang bago magtapos ang taong 2020.Salamat sa decreto Milleproroghe, ang deadline ng nabanggit na bonus ay na-extended ng 12 buwan pa. (PGA)