Simula ngayong araw ay maaari nang gawin online ang cambio di residenza sa ibang Comune ng Italya, direkta sa portal ng ANPR o Anagrafe Nazionale della Popolazione Residente.
Matapos ang first phase ng bagong serbisyo na sinimulan noong nakaraang taon sa 30 Comune lamang, sa kasalukuyan, ang serbisyo ay aktibo na sa 7,903 Comune o sa buong bansang Italya na!
Sa website ng Anagrafe, sa area riservata ai servizi al cittadino, ay maaaring ma-access, ang Department for Digital Transformation, Ministry of the Interior at Sogei, gamit ang sariling digital identity sa pamamagitan ng Carta d’Identità Elettronica, SPID, o Carta Nazionale dei Servizi.
Ang bagong serbisyo, na idinagdag sa posibilidad na mai-download ng mga certificati anagrafici, na nagpapahintulot sa mga nasa hustong gulang na mamamayan na nakarehistro sa Anagrafe Nazionale na gawin ang cambio residenza kahit sa anong Comune ng bansa o cambio abitazione sa parehong Comune.
Gamit ang sariling digital identity, sa area riservata ai servizi al cittadino, ay maaaring masagutan ang form online, para sa sarili at para sa mga miyembro ng pamilya at maipadala ito sa Comune. Sundin lamang ang procedure na inilathala sa area servizio. (PGA)
Basahin din:
- Mga Digital Certificate, maaaring i-downolad sa Anagrafe Nazionale online!
- May error ba sa Tessera Sanitaria? Narito kung paano ito itatama