in

Cara Italia, ang bagong grupo ng mga New Italians laban sa Rasismo

Inilunsad ang Cara Italia, ang bagong grupo ng mga New Italians na pangunahing layunin ay ang labanan ang rasismo at anumang uri ng diskriminasyon. Sa kasalukuyan ay mayroong 6,000 members.

“Kalaban ako ng sinumang walang galang sa karapatang pantao”.

Mga salita ni Stephen Ogongo, ang founder ng Cara Italia at journalist mula sa Kenya. Dumating sa Italya upang mag-aral 25 taon na ang nakakalipas. Nagturo ng journalism sa Gregoriana University. May 2 anak at kasalukuyang Chief Editor ng 10 newspapers ng Stranieri in Italia.

Oktubre ng ako kasama ang buong editorial staff ay ninais namin ang isang website at FB page sa paglulunsad ng Cara Italia. Dito ay bida ang mga imigrante at Italians na magkasamang nilalabanan ang rasismo at lahat ng uri ng diskriminasyon. Tila isang tahanan na kukupkop sa mga asosasyon, organisasyon, mga grupo na tanging hangarin lamang ay ang karapatan ng mga New Italians. Ayon nga sa isang African proverb: Kung mangangarap ng nag-iisa, ito ay mananatiling pangarap lamang; ngunit kung sama-samang mangangarap, ito ay magaganap”.

Ang lakas ng bagong grupo ay ang suporta ng mga pahayagan at website ng Stranieri in Italia, na sa pamamagitan ng mga ito, isang milyon at kalahating imigrante at mga bagong mamamayan kasama ang mga Italians ang nakakadaup-palad kada buwan. Kasama sa mga hangarin ay ang pagkakaroon ng Batas sa Citizenship na aangkop sa kasalukuyang reyalidad ng bansa at ang karapatang bumoto ng mga imigranteng residente sa bansa.

“Ito na ang panahon – ayon kay Ogongo – matapos mabigo sa inaasahang Ius Soli at ang Bossi Fini law na umani ng mga kritiko ngunit hindi kaylanman nabigyang susog. Bukod pa sa patuloy na pagbabago ng panahon at parami ng parami ang mga imigrante na nagiging Italian citizens. Ito ang tamang pagkakataon upang bigyan ng boses ang sinumang wala nito lalo na sa panahong ang rasismo ay patuloy na nagiging bahagi na ng araw-araw na pamumuhay sa Italya, ito ang tamang hakbang!”.

Nais maging bahagi ng Cara Italia? Narito ang link 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Antitrust, hinihingi ang angkop na susog sa bagong buwis sa money transfer

Hakbang ng Cara Italia laban sa 4 na taong aplikasyon ng Italian Citizenship