in

Cellphone at tablet sa elementary at middle school, ipagbabawal!

Ipagbabawal ang paggamit ng cellphone at tablet sa elementary at middle school. 

Ito ang inanunsyo ni Italian Education Minister, Giuseppe Valditara, ukol sa susunod na ‘linee guide’ o regulasyon para sa Paaralan. At samakatwid, ang paggamit ng cellphone ay mahigpit na ipagbabawal sa elementary at middle school o scuola media, pati na rin sa kindergarten kahit para sa layuning pang-edukasyon, kasama na rin ang mga tablet. 

Ang desisyon, ayon sa ministro, ay ginawa hindi lamang para sa isyu ng pagtuturo kundi dahil kadalasan ang di-tamang paggamit ng smartphone at tablet ay nagiging sanhi ng tensyon sa pagitan ng mga estudyante at guro, at sa ilang kaso ay nauuwi sa  agresyon sa mga tauhan ng paaralan. 

Mababawasan ang distraksyon at mas magiging responsibile ang mga mag-aaral

Ang pagtatanggol sa mga guro,” dagdag ng ministro, “ay nangangahulugan ng pagtatanggol sa prinsipyo ng tiwala at awtoridad na siyang batayan hindi lamang ng sistema ng edukasyon kundi pati na rin ng sistema ng demokrasya.” 

Binanggit din ng ministro na ang UNESCO ay nag-rekomenda na ipagbawal ang paggamit ng smartphone sa mga silid-aralan dahil kung sobra ang paggamit o kung ginagamit ito ng hindi sa tamang paraan, ang mga cellphone ay nagiging sanhi ng patuloy na distraksyon at nakaka-apekto sa regular na aktibidad ng paaralan at ng mga leksyon, nagiging sanhi ng tensyon sa pagitan ng mga estudyante at guro, at may negatibong epekto sa memorya at konsentrasyon ng bata. 

Ayon sa UNESCO, halos isa sa bawat apat ng mga bansa, ang nagbabawal sa paggamit ng smartphone sa mga paaralan. Noong 2018, ipinagbawal ng France ang paggamit ng mga cellphone sa elementary at middle school. Pagkatapos ay sumunod ang Sweden, Finland, at Netherlands. Noong 2022 pa lamang, naglabas na ng Circular si Valditara upang ulitin ang pagbabawal na sa katunayan ay ipinagbabawal na noon pa mang 2007: wala dapat cellphone sa silid-aralan ng kindergarten at elementary. At sa susunod na regulasyong gagawin, ay uulitin at magpapatuloy sa pagpapatupad sa paghihigit sa mga Paaralan tulad ng inanunsyo ng ministro. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Conversion ng PdS per studio sa PdS per lavoro 2024, hindi na maghihintay ng Decreto Flussi 

Assegno Unico 2024, nanganganib na mahinto! Narito kung para kanino?