in

Centri Commerciali, kailan muling magbubukas ng weekend?

Kabaligtaran ng inaasahan, ang Decreto Riaperture na inaprubahan ng Consilgio dei Ministri o CDM noong April 21, 2021 at inilatahala sa Official Gazette ng 22 aprile 2021 – decreto n. 52, kung saan nasasaad ang muling pagbabalik ng zona gialla, ay walang nabanggit na muling pagbubukas ng mga Centri Commerciali ng weekend. Kahit ang unang petsa na May 15, 2021 tulad ng nasasaad sa unang draft ng decreto, ay hindi na binanggit sa final document ng decreto. 

Sa kasalukuyan, lahat ng commercial activities sa loob ng mga malls o centri commerciali na itinuturing na hindi pangunahin tulad ng supermarket, pharmacies, newspaper stands (at iba pa) ay mananatiling sarado pa rin. 

Sa naging desisyon ng gobyerno Draghi, ay patuloy ang nagaganap na pag-aapela mula sa hanap ng mga negosyante at mga Rehiyon upang isaalang-alang sa lalong madaling panahon ang unti-unting pagbubukas din ng mga centri commerciali.

Matatandaang ang mga centri commerciali sa Italya ay simulang isinara tuwing weekend sa pagpapatupad ng DPCM ng Nobyembre 2020 kasabay ng pagpapatupad ng color code risk, o ang Rossa, maximum risk; Arancione high risk at Gialla, average risk. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Caregivers, kasabay ng inaalagaan sa booking online ng bakuna sa Lombardia

14 na rehiyon sa zona gialla, 5 sa zona arancione at 1 sa zona rossa, simula sa April 26