Larawang ipinablish ng misteryosong ‘Terrorblanche Eugene’, maaaring pekeng larawan lamang, ngunit ang ito ay kasalukuyang hinahanap..
Rome – Ang isang puting lalaki, mayroong rifle sa kamay at nakangiti sa isang larawan habang sa paanan nito ay may isang itim na bata na tila wala ng buhay: ito ang nakakagitlang ipinablish sa Facebook profile ng isang nagngangalang ‘Terrorblanche Eugene’ na nagtanim ng galit at naging umpisa ng mainit na usapin sa South Africa.
Sa kanyang FB profile ay mayroong 562 mga kaibigan, inilarawan ang kanyang sarili bilang isang impresaryo na mahilig sa African music, sa mga armas at sa Close Combat . Ang imahe ay maaaring isang photomontage o peke, ngunit hindi ito naging sapat na dahilan upang ang South African Police ay hindi siyasatin o suriin ang larawan maging ang publisher nito. Samatala dumadami ang mga network user na nagkokondana sa inilathala at hinihingi ang pag-aresto sa publisher nito.
Pareho ang piniling pangalan ng misteryosong publisher, sa pangalan ni ‘Eugene Terre’ Blanche’, isang politiko sa South African mula sa partido ng ‘extreme right’, at isang malakas na tagataguyod ng apartheid. Ang profile ng ‘Terrorblanche’ at ng mga grupo na mabilis na nabuo laban sa kanya ay hindi na makikita online.