in

Coronavirus, kumpirmado sa Roma

Sa isang press conference ngayong gabi ay kinumpirma ni Premier Giuseppe Conte, kasama si Health Minister Roberto Speranza ang dalawang unang kaso ng coronavirus sa Italia. 

Ang mag-asawang Chinese,  kasama ang ilan pang mga turista, ay sampung araw na umanong nasa Italya, ay naka check in sa isang kilalang hotel sa via Cavour, Roma.

Kahapon ay nabalitang sumama ang pakiramdam ng dalawa, na mabilis namang nirespondihan ng 118 at mga duktor na naka maskara at naka protective gear. Isinugod ang mag-asawa sa Spallanzani hospital, sumailalim sa mga analisis at makalipas ang halos 24 oras ay kinumpirma ang unang kaso sa Italya ng coronavirus.

Lahat ng mga nakasamang turista ng dalawang unang biktima ng coronavirus sa tourist bus mula Malpensa airport ay kasalukuyang nasa Spallanzani hospital at nasa ilalim din ng mga pagsusuri. 

Sa nasabing press conference ay inanunsyo rin ang paghinto ng lahat ng biyahe mula China at patungong China. .

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Narito ang ilang Tips upang Maiwasan ang Coronavirus

Dalawang libong Chinese, nasa Roma sa buwan ng Enero