in

Covid19: Pumalo sa 4,458 ang mga bagong positibo

coronavirus sa italya Ako ay Pilipino

Tumitindi ang patuloy na pataas ng bilang ng covid19 sa bansa simula pagpasok ng buwan ng Oktubre. Kasabay nito ay ang pagtaas din ng bilang ng mga pasyente na may sintomas sa mga ospital, dumadami din muli ang mga pasyente sa ICU. 

Mula sa naitala noong Miyerkules, Oct 7 na 3,678, tumaas sa 4,458 ang mga bagong positibo sa coronavirus sa loob lamang ng isang araw, Oct 8. 

Ang bilang na ito ay kinumpirma ng 128,000 swab tests, kasama ang kontrol sa mga naunang nag-positibo. Sa kasamaang palad dumadami din ang mga pasyente sa ICU, + 143 (3,925) at + 21 (358). Bagaman mabagal ang pagtaas, nagtala din 22 ang mga namatay dahil sa covid19. Dumadami din ang mga Rehiyon sa bansa kung saan naitala ang higit sa 100 bagong positibo, 12 na, kumpara sa 11 noong Miyerkules.

Narito ang bilang sa mga pangunahing Rehiyon  

  1. Campania – 757 
  2. Lombardia – 683 (+183 kumpara noong Miyerkules)
  3. Veneto – 491 (+116) 
  4. Lazio – 359 (+2) 
  5. Toscana – 339 (+39)
  6. Piemonte – 336 (+49)
  7. Sicilia – 259
  8. Puglia – 248 (+52)
  9. Emilia Romagna – 184 (-9)
  10. Liguria – 152 (-24)
  11. Sardegna – 127 (+27)
  12. Friuli Venezia Giulia – 110 
  • Confirmed Cases –  338,398
  • Active Cases – 65,952  
  • Recovered – 236,363
  • Deaths – 36,083– (+22)
  • Fiduciary Isolation – 61,669
  • ICU – 358 
  • With symptoms – 3,925 
  • Tamponi – 113,085 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

State of Emergency, extended hanggang January 31, 2021

mandatory mask Ako ay Pilipino

Mask, mandatory kahit sa outdoors. Kailan may pahintulot na hindi ito isuot?