Tumaas ulit ang positivity rate sa 5.6% sa Italya. Ito ay sanhi ng muling pagdami ng mga bagong kaso ng Covid19 at ng bagong variants nito.
Ayon sa Ministry of Health, umabot sa 19,886 ang bilang ng mga bagong nag-positibo sa coronavirus sa Italya sa huling 24 oras. Kahapon, Feb 24, ang bilang ng mga nag-positibo ay 16,424. Ang mga namaty ngayong araw ay 308 at kahapon ay 318 naman.
Samantala, 353,704 naman ang bilang ng mga tested individuals ngayong araw, mas mataas ng 13,000 kumpara kahapon. Ang positivity rate ay tumaas sa 5.6% (mas mataas ng 0.8% kumpara kahapon).
Sa Italya tinatayang ang UK variant ng Sars-CoV-2 ay mas mataas ang transmissibility ng 37%”.
Ito ay ayon sa Istituto Superiore di Sanità (ISS) sa pag-update ng Faq ukol sa mga variant sa website nito. “Ang pagtantya ay nakuha mula sa isang pag-aaral ng ISS, Ministry of Health, Bruno Kessler Foundation, Regions / Autonomous Provinces. Ito ay naaayon din sa mga naiulat sa ibang bansa, kahit na mas mababa nang bahagya“.