in

Covid19, tumataas muli ang mga kaso sa Europa

Muling naitala ang pagtaas ng mga kaso ng Covid19 sa Europa. Partikular, sa 11 bansa ay tumaas na ang incidence ng SarsCov2 virus at sa 21 bansa naman ay inaasahan ang napipintong pagtaas. Ayon sa ulat ng Ansa, ang mga pagsusuri ay ginawa ng mathematician na si Giovanni Sebastiani, ng Institute for Calculus Applications ‘M.Picone’, ng National Research Council (CNR).

Ang lingguhang pagsusuri sa pagkakaiba ng mga incidence ng SarsCov2 virus sa mga European states ay nagpapakita ng muling sirkulasyon nito”, ayon sa eksperto. 

Aniya tumaas na ang incidence sa 11 bansa. Kasama ang Italy, Austria, Finland, France, Germany, Greece, Iceland, Luxembourg, Portugal, Slovenia, Switzerland.

Ipinahihiwatig din ng datos na sa 21 bansa ang pagbaba ng incidence ng SarsCov2 virus ay bumagal na at inaasahang babalik at tataas ulit ito sa linggong ito. Ito ay ang mga bansang Albania, Belarus, Belgium, Bosnia, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Hungary, Ireland, Kosovo, Lithuania, Moldova, Montenegro, North Macedonia, Romania, Serbia, Slovakia, Spain, Sweden, Turkey.

Bukod sa mga bansang nabanggit, mayroong dalawang bansa, ang Netherlands at Norway, kung saan ang pagdami ng mga kaso ay naganap na at nitong nakaraang linggo ay bumababa na ulit. 

Narito ang incidence sa huling 7 araw sa bawat 100,000 residente sa mga bansa sa Europa.

over 5,000: Iceland (5,154);

from 3,000 to 4,000: Austria (3,175);

from 2,000 to 3,000: Netherlands (2,689), Latvia (2,166), Switzerland (2,103);

from 1,000 to 2,000: Germany (1,639), Denmark (1,493), Slovakia (1,469), Greece (1,221), Estonia (1,165), Finland (1,128), Lithuania (1,109);

from 500 to 1,000: Luxembourg (893), Norway (802), Slovenia (680), Italy (574), Ireland (540), Czech Republic (527); Less than 500: Portugal (472), Belgium (464), France (462), Russia (265), Spain (264), Turkey (234), Croatia (233), Poland (203), Serbia (171), Bulgaria (164), Hungary (148), Romania (123), Belarus (108), Sweden (105), Montenegro (95), Macedonia (89), Moldova (64), Bosnia (29), Albania (16), Kosovo (14).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sendwave: General Info at Frequently Asked Questions (FAQs)

Assegno Unico e Universale, kailan matatanggap?