Ayon sa Affari at Finanza ito ay isang uri ng hanapbuhay na bunga ng globalization at mahalaga para sa mga malalaking kumpanya. Ngunit ang mga panukala upang itakda an mga kinakailangan at mga kurso ng pagsasanay ay nanatiling naka-pending pa rin.
Rome – Kabilang ang mga community managers at mga engineers,gayun din ang mga tinatawag na crisis managers at designers at kabilang din sa mga“propesyon ng ikatlongmilenyo” na naitala ng Affari at Finanza ay ang mga cultural mediators.
Ang economic page naman ng Repubblica ay nagtala ng mga trabahong bunga ng globalization. “Sa mga malalaking kumpanya–paliwanag pa ng pahayagan – ang isa sa mga nangungunang trabaho ay ang cultural mediator. Sa pamamagitan ng isang degree sa panitikan at mahusay na kaalaman sa iba’t ibang wika, ay may mahirap na gawain na pagkasunduin ang maraming pananaw at kuro-kuro sa loob ng isang malaking kumpanya.”
“Ang potensyal na mga kumpanya ng Italian expor t- dagdag ni Philip Abramo, presidente ng Italian Association in Managing employees – ay nadagdagan ang demand para sa propesyon ng mga mayroong malawak na kaisipan, mga dalubhasa sa wika at mga eksperto sa mga pagsasanay at sa regulasyon ng kalakalan.”
Ngunit ang hiring sa mga kumpanya ay tila hindi pa rin pangkaraniwan, dahil hanggang sa ngayon ang mga mediators ay nakakapagtrabaho lamang lalo na sa mga publikong administrasyon.Sa katunayan, ang mga mediators ay karaniwang natatagpuan sa mga ospital, mga paaralan, istasyon ng pulis, mga tanggapan para sa migrasyon, kulungan at iba pang mga tanggapan kung saan nagtutungo ang mga nagbuhat mula sa iba’t ibang sulok ng mundo kung saan kinakailangang maunawaan at unawain ang mga pagkakaiba.
Ukol naman sa pagsasanay ng mga mediators, ang A &F ay nagbanggit ng kursong binuksan noong 2004 sa University of Milan at nagbanggit ng”degree sa panitikan at kahusayan sa mga wika.” Sa katunayan,ang mga kurso ay marami, buhat sa mga unibersidad, mga lokal na awtoridad at asosasyon, ngunit ang lahat ay iba-iba, dahil ang pagiging isang cultural mediator ay hindi pa ganap na kinikilala bilang isang propesyon.