in

Dagdag sa sahod sa domestic job ngayong 2019, mula € 7 hanggang € 15

Ako ay Pilipino

Mula January 1 ay madadagdagan ng mula € 7 hanggang € 15 ang sahod sa domestic job. Narito ang minimum wage sa domestic job ngayong 2019.

Kahapon sa Ministry of Labor, kasama ang mga kasaping assosasyon tulad ng Assindatcolf, Nuova Collaborazione A.D.L.D. at A.D.L.C. ay pinirmahan ng Federazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico o Fidaldo ang Minimum Wage sa domestic job 2019.

Para sa mga naka-lived in ay aasahan ang karagdagang € 7 kada buwan para sa mga nasa level A o bagong experience; hanggang € 15,00 ang aasahan ng mga beterano at may karanasan na sa sektor, tulad ng mga caregivers ng mga self-sufficient (level DS). Samantala, increase naman ng € 8.97 kada buwan ng mga nasa level B at tataas naman sa € 9,61 para sa mga babysitters na nag-aalaga ng bata mula 3 taon pataas (level BS) at aabot naman sa € 10,89 ang mga caregivers na nasa level CS.

Ang Contratto Collettivo Nazionale di Lavoro ay ang pamantayan ng regulasyon sa domestic job, samakatwid ng mga colf, caregivers at babysitters. Ang CCNL  ay pinirmahan noong 2013 at ito ay balido ng tatlong (3) taon at simula 2016 ay naghihintay ng renewal nito.

Sa kabila ng kawalan ng renewal, ay nagkakaroon ng assessment sa halaga ng sahod at ito ay ipinatutupad taun-taon sa bawat kontrata. At kahapon,  Jan 15, ay pinirmahan ang isang kasunduan kung saan iniaangkop muli ang sahod sa pagtaas ng cost of living sa bansa batay sa inflaton ayon sa Istat.

Basahin rin:

Minimum Wage sa Domestic Job 2018

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Undocumented parents, maaari bang dalhin ang anak sa pediatrician?

Ako ay Pilipino

Paano ang Italian Citizenship ng mga anak na may edad 18 pataas?