Pinirmahan ni Minister of Labor and Social Policies Marina Calderone ang dalawang batas upang ipagpatuloy ang paglaban sa undeclared job o lavoro nero sa Italya. Ito ay inilathala sa Official Gazette.
Aniya ang pagpapatupad ng dalawang batas ay may dobleng layunin. “Una ito ay kumakatawan bilang proteksyon ng mga kinakailangan aksyon para sa pagpapabuti ng merkado ng paggawa sa Italya, ukol sa legalidad, proteksyon ng manggagawa at patas na kompetisyon sa pagitan ng mga kumpanya”.
“Kikilalanin din nito ang mga gawain ng tanggapan ng ministeryo upang makamit ang mga layunin na itinakda ng National Recovery and Resilience Plan, bago ang itinakdang deadline”.
Partikular, itatatag ang National Committee for the prevention and fight against undeclared work, kung kanino ipagkakatiwala ang mga gawain ng koordinasyon at pagsubaybay sa pagpapatupad sa mga aktibidad na naka-program sa National Plan for the prevention and fight against undeclared work at ang pangangasiwa sa pagsunod sa road map ng implementing decree.
Ang National Committee ay pamumunuan ng Minister of Labor (o ang kanyang delegate) at ito ay kinabibilangan ng mga kinatawan ng mga ministries mismo, na kasama sa pagpapatupad ng Plan tulad ng Ministry of Interior, Ministry of Infrastructure at Transport, Inps, InaiL, Anpal, Banca d’Italia, Istat, Agenzia dell’Entrate, Guardia di Finanza, Carabinieri at ang Conference of Regions, sa tulong ng Inapp technician. Kasama rin sa Komite ang mga eksperto na may kakayahan at karanasan na hinirang ng Ministro, gayundin ang 10 kinatawan ng mga unyon ng mga manggagawa at mga organisasyon ng mga employer sa bansa.