in

Decreto Legge COVID19, mahigpit na ipinatutupad

Nilagdaan ng Primo Ministro Giuseppe Conte at Presidente ng Republika ng Italya Sergio Matarella ang Atas Tagapagpaganap (DL Covid19) nitong nagdaang Pebrero 24, 2020. 

Sa kautusang ito, ang mga mamamayan ng bansa, maging mga dayuhan ay tinatawagan upang sama-samang mapigilan ang paglaganap ng COVID19

Ayon sa DL Covid19, ipinagbabawal ang mga pagtitipon, pribado man o publiko. Ipinatitigil din ang mga Field Trip ng mga paaralan, mga palarong pangpalakasan, mga piyestahan maging mga banal na pagtitipon (religious gatherings). Suspendido din ang mga klase sa paaralan sa lahat ng antas – depende sa grabidad o lawak ng epekto ng epidemya. Hindi kasama ang leksyon na maaring gawin sa bahay o sa lugar na ligtas sa visrus. Kasama ang pansamantalang pagsasara sa mga Museo, may bayad o libre ang pagpasok sa mga kahalintulad na Institusyon at mga Istorikong lugar. 

Pansamantala din na tinigil pageempleyo ng mga mangagawa. Suspendido din ang mga Educational Trips na isinasagawa ng mga Unibersidad at mga Akademiya, sa loob at labas ng Italya. Ipinapatupad ang pagkwarantin sa mga indibidwal na posibleng nakasalamuha ng may dalang covid19. Ipinagbabawal din na dumiretso sa mga Ospital sa halip ay pinatatawag sa numero verde na inilabas ng mga rehiyon. Sinasabi din sa DLcovid19 na, na lilimitahan o maaring suspindihin ang serbisyo sa mga paliparan, mga pantalan – malalaki o maliliit na bangka, sa ilog man o sa dagat. Maging mga pangpublikong transportasyon depende sa itatakda ng pangangailangan na gawin ito para sa proteksyon at kagalingan ng mamamayan. Kagyat naman tumugon ang mga Rehiyon at nagbalangkas din ng kautusan batay sa DLcovid19. Partikular sa Toskana, hanngang Marso 15 ang pagpapatupad ng mga pagbabawal at posibleng mga suspensyon. Sa iba naman ay tatagal hanggang Mayo, o nakadepende sa lala ng problema hinggil sa Corona Virus. (ni: Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hip Hop Bologna Event, tagumpay!

Pagpapaliban sa pagbabayad ng ‘contributi inps’, hiling ng Assindatcolf