Papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang lalabag sa mga paghihigpit at restriksyon na nasasaad sa Decreto Natale.
Basahin din:
Tulad ng nasasaad sa art. 1 talata 3 ng Decreto Natale (dl noong Disyembre 18, 2020, n. 172), ang hindi susunod sa mga anti Covid19 preventive measures ay ipapatawan ng administrative sanctions at mumultahan mula € 400 hanggang € 1,000.
Ito ay tataas hanggang 1/3 kung ang paglabag ay magaganap sa pamamagitan ng paggamit ng sasakyan.
Bukod dito, tandaan na ang pagbibigay ng mali at hindi wastong mga impormasyon sa Autocertificazione ay pinaparusahan ng batas.
Basahin din:
- Autocertificazione, kailan gagamitin sa ilalim ng Decreto Natale?
- False declaration sa Autocertificazione, isang krimen
Para sa karagdagang impormasyon, narito ang link ng FAQs ng gobyerno.
(PGA)