Ipinagpapalagay ng marami na hindi apektado yaong mga dayuhan na nagtataglay ng Permesso di Soggiorno, Carta di Soggiorno at mga nagawaran ng Cittadinanza Italiana. Maging karamihan ng mga Pilipino ay nagkakamali sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa nilalaman ng Decreto Salvini.
Sa ilalim ng bagong batas na ito, ay binibigyang laya ang Questura na mahigpit na ipatupad ang mga umiiral ng patakaran (normativa). Partikular, narito ang ilang mga panganib na karaniwang ipinagbabaliwala o di binibigyang halaga ng ating mga kababayan.
- Ang mga nagtataglay ng Permesso di Soggiorno ay di maaring manatili sa labas ng bansang Italya ng higit sa itinakdang panahon o kalahati ng validity ng nasabing dokumento. Samantalang ang nagtataglay naman ng Carta di Soggiorno ay di dapat manatili sa labas ng Italya ng higit sa isang taon o 365 na araw. Ang paglabag dito ay maaring mangahulugan ng di pagpapahintulot na makapasok sa teritoryo ng Italya o sapilitang pag-papauwi mula sa border kung saan pabalik ang mga dayuhan mula sa bansang kanilang pinanggaliangan.
Basahin rin:
Ako ay may carta di soggiorno. Gaano katagal ako maaaring manatili sa labas ng bansang Italya?
- Kinakailangan na ang Permesso di Soggiorno, Carta di Soggiorno ay dala-dala palagi. Sakaling siyasatin o kontrolin ng awtoridad sa pampublikong lugar, sa pampublikong transportasyon, mga tanggapan ng pamahalaan at walang maipakita ay maaring ikulong o pauwiin ang isang dayuhan kahit walang legal na proseso. Maaari din maikulong ng isang taon, ayon sa batas.
Basahin rin:
Non-EU nationals, obligadong dala palagi ang permit to stay?
- Anuman sulat o kumunikasyon mula sa mga ahensya ng Pamahalaan Italyano ( Questura, Prefettura), hindi dapat ipagwalang bahala. Obligadong sumagot sa loob ng 10 araw. Ang di pagsagot , lalo na kung nasa proseso ng pagpapanibago (renewal) babaguhin kaalaman ( update) maari ng pahindian ang nasabing aplikasyon. Alinsunod nito, dapat humingi ng resibo o anuman katunayan dokumento mula sa awtoridad bilang patunay sa mga transaksyon na isinakatuparan. Upang hindi maging dahilan ng pagtanggi kung magpalalim ng pagsisiyasat ang Questura.
Basahin rin:
Nakatanggap ng notification na rejected ang renewal ng permit to stay, ano ang dapat gawin?
- Kaugnay ng Aggiornamento ng Carta di Soggiorno – binigyan ang Questura ng kapangyarihan na obligahin ang migrante na ipakita ang kanyang taunang kita (reddito) na nauna ng tinanggal kung magbabago lamang ng mga datos tulad ng tirahan at passport number kung kinakailangan.
Basahin rin:
Mga dapat malaman ukol sa aggiornamento ng carta di soggiorno
- Sa mga magulang na nagsipag-aplay ng Assegno Famigliare, hindi na papahintulutan na makatanggap ng tulong pinansyal para sa menor de edad kung hindi kasama sa paninirahan at/o nasa labas ng bansang Italya ang mga anak. Mahigpit din na ipinagbabawal ang magkaibang tirahan ng mga magulang at kanilang mga anak. Ilan lamang ito sa mga bagay na madalas hindi binibigyan ng kaukulang atensyon.
Partikular ang mga Pilipino ay higit na apektado ng decreto Salvini sa pag-aaplay ng pagkamamamayan o italian citizenship by residency o by marriage, na mula sa dating 2 taon ang proseso na itinakda pagkalipas ng 10 taong regular na naninirahan o migrant status, ay ginawang apat na taon ang kabuuang proseso bago pagkalooban. Bukod ditto, mahigpit ang panuntunan na walang anumang criminal rekord, tumutupad sa pagbabayad ng buwis, sapat ang kita (reddito) at may tiyak na tirahan. Higit dito sinuman na may rekord na banta sa seguridad ay di hahayaan na makapg-aplay. Dagdag pa, kailangang patunayan ang kaalaman sa wikang italyano sa antas B1 sa pamamagitan ng mga sertipiko o diploma na kinikilala ng Ministry of Interior .
Kaya huwag magkampante at wag maniwala sa sabi-sabi na ang tanging apektado lamang sa kautusang ito ay ang walang mga dokumento. At para naman sa mga kababayan natin na naghihintay pa ng Sanatoria, ingat at iwasan masangkot sa anumang uri ng krimen lalo na ang pagtutulak drugs, pagnanakaw at pangingikil. Alalahanin na ang pambubugbog o pananakit, paglaban sa mga awtoridad, female mutilation, pagdadala ng mga armas at bawal na gamot ay mga idinagdag na krimen na sakaling mahatulan ay nangangahulugan ng pagpapauwi sa bansang pinangalingan at pagbasura sa aplikasyon ng Soggiorno sakaling magbaba ng amnestiya.
Ibarra Banaag