Pinahihintulutan na ng mga eksperto ang pagbubukas ng mga discoteche sa Italya makalipas ang higit sa isang taong pagsasara ng mga ito.
Matapos ang higit sa isang taong pagsasara ay unti-unti na ring magbubukas ang mga disco sa Italya. Ang CTS o Comitato Tecnico Scientifico ay nagbigay na ng go signal sa pagbubukas ng mga disco sa zona bianca.
Sa isang pagtitipon ay napagkasunduan ng mga eksperto ang mga sumusunod:
- Sa loob ng mga disco houses, kabilang ang mga empleyado, ay maaaring pumasok ang maximum na 35% lamang ng kapasidad ng mga ito. At sa ourdoor disco naman ay maaaring umabot sa maximum na 50%;
- Ang lahat ng papasok sa mga discoteca ay dapat na naka-register at dapat na mayroong Green pass;
- Kailangan ang pagkakaroon ng maayos na ventilation system na hindi magkakaroon ng air recirculation at dapat na makakatugon sa mga requirements na nasasaad sa dokumento ng ISS o Istituto Superiore di Sanità;
- Kailangan ang esklusibong paggamit ng disposable glasses;
- Kailangang masigurado ang madalas na paggamit ng hand sanitizers,
- Panatilihing malinis at madalas na nagagawa ang sanitation ng lugar;
- Mandatory ang pagsusuot ng surgical mask na palaging suot maliban kung sumasayaw.
Gayunpaman, matapos ang pahintulot mula sa CTS, ay inaasahang aaprubahan ng Gobyerno ang decreto ukol sa maximum capacity ng mga cinema, theaters, concert hall at mga sports complex at marahil na isasama na rin ang ukol sa mga discoteche sa susunod na linggo.