in

€10,000 – €30,000, Ibibigay sa sinumang lilipat sa Tuscany Region! Totoo ba o fake news?

Totoo ba ang trending na balita ngayon na bibigyan ng gobyerno ng Italya ang sinumang lilipat sa Tuscany region?

Oo! Totoong-totoo! Sa ilalim ng bagong programa na inilunsad ng gobyerno ng Italya, maaaring makatanggap ng halagang mula €10,000 hanggang €30,000 ang sinumang lilipat sa mga piling lugar sa Tuscany. Ang layunin ng programang ito ay maparami ang populasyon sa mga kabundukan at buhayin muli ang komunidad at ekonomiya ng mga lugar na may mas mababa sa 5000 residente.

Ano ang mga Kondisyon?

Sa programang ito, ang gobyerno ay magbibigay ng financial assistance para sa mga gastusin sa pagbili o pagpapa-repair ng bahay sa isa sa 76 na munisipalidad sa Tuscany region. Ang mga kandidato ay kailangang:

  • Mamamayang Italyano, Europeans at non-Europeans na may long-term residence permit.
  • Nasa hustong gulang.
  • Residente sa isang Comune sa Italya na hindi kabundukan.

Ano ang Pondo?

Naglaan ang gobyerno ng €2,800,000 para sa proyektong ito na naglalayong buhayin muli ang mga komunidad sa kabundukan. Ang tulong pinansyal na ito ay sumasaklaw sa hanggang 50% ng mga gastusin sa pagbili o pagpapa-repair ng bahay na gagawing permanenteng tirahan. Sa madaling salita, dapat na gumastos muna ng humigit kumulang na €60,000 para makatanggap mula sa gobyerno ng hanggang €30,000.

Kailan at Paano Mag-apply?

Nagsimula na ang submission ng application noong June 12, 2024 at magtatagal hanggang 1pm ng June 27, 2024. Ang application form ay dapat isumite online sa website ng Regione Toscana, sa pamamagitan ng SPID. Dahil limitado ang pondo, mahalagang magmadali sa pag-a-apply!

Ano ang Kahalagahan ng Programang Ito?

Ang programang ito ay hindi lamang nagbibigay ng pagkakataon na magkaroon ng bagong tahanan sa magagandang lugar sa Tuscany, kundi nagbibigay din ito ng pag-asa sa mga komunidad na muling sumigla at umunlad. Kaya, kung naghahanap ka ng bagong simula at nais mong maging bahagi ng pagbuhay sa mga nakamamanghang lugar na ito, huwag nang mag-atubili!

Tara na at mag-apply! Huwag palampasin ang pambihirang pagkakataong ito na makatanggap ng malaking tulong mula sa gobyerno ng Italya habang tinutulungan mo ring buhayin ang mga kabundukan ng Tuscany!

Sources: Official website Tuscany region, Application form,

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Covid19, dapat pa bang katakutan?

Rejected ang Aplikasyon para sa Italian Citizenship, bakit? Aaprubahan pa ba ito, paano?