Kinumpirma ng Court of Appeal kamakailan na ang EC long term residence permit o dating carta di soggiorno ay isa sa mga pangunahing requirements para matanggap ang assegno sociale.
Sa pamamagitan ng ordinanza n. 24242 noong nakaraang Setyembre ng korte, ay binigyang hatol ang reklamo ng isang dayuhan dahil pinagkaitan diumano ng karapatang matanggap ang nabanggit na tulong pinansyal ng Inps dahil sa kawalan ng EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno.
Sa nabanggit na ordinansa ay kinumpima ng korte ang isang hatol sa nakaraan (Cassa n. 22261 noong 2015) kung saan nasasaad na hindi isang paglabag ang hindi pagbibigay nito dahil ang tulong pinansyal ay ibinibigay sa mga dayuhang makakatugon sa mga requirements nito kabilang ang regular na paninirahan at ang pagkakaroon ng carta di soggiorno.
Kaugnay nito, isang hatol din ng Corte Costituzionale (sentenza n. 50 ng March 5, 2019) ang nagbanggit ng requirements ng sampung taong tuluy-tuloy na pagiging residente para sa mga dayuhan at mga Italians na nasaad sa artikulo 20 c. 10 DL 112/2008. Bukod dito, ay idinagdag sa mga requirements para sa mga dayuhan ang pagkakaroon ng EC long term residence permit.
Basahin din:
Ano ang Assegno Sociale at bakit ito mahalaga para sa mga dayuhan sa Italya?
Halaga ng Assegno Sociale ngayong 2019