in

Edad para sa Assegno Sociale mula Enero 2019, itinaas sa 67 anyos

Itinaas sa edad na 67 anyos ang minimum age requirement para matanggap ang assegno sociale simula sa Enero 1, 2019. Hanggang sa kasalukuyan ang itinalagang edad ay 66 taong gulang at 7 buwan.

Ito ay ayon isang opisyal na komunikasyon mula sa Inps bilang 4770 ng Dec 6, 2018, kung saan nasasaad ang bagong requirement sa edad para matanggap ang nasabing benepisyo.

Kaugnay nito, batay sa mensahe bilang 16587/2012 at 4920/2017, ay bigyang-diin sa parehong komunikasyon na ang mga mamamayang nasa edad na itinakda ng batas na kasalukuyang ipinatutupad (edad na 66 taong gulang  at 7 buwan) hanggang Disyembre 31, 2018, anuman ang petsa ng aplikasyon ng assegno sociale at ituturing na “ultrasessantacinquenni”.

Mabibilang sa nabanggit na kategorya ay ang sumusunod:

  1. kapag nag-aplay ng assegno sociale makalipas ang Jan 1, 2019, ay ituturing na qualified at mayroong angkop na edad kahit hindi pa umaabot sa edad na 67 anyos mula 2019;
  2. kung mag-aaplay ng invalidità civile sa taong 2019 bago sumapit sa edad na 67 anyos, sa kasong tanggapin ang aplikasyon, ay ibibilang na kundisyon ng “invalidi ultrasessantacinquenni”, dahil dito ay hahadlangan ang posibilidad na mag-aplay ng pensione di inabilità o assegno mensile di assistenza ayon sa mga artikulo 12 at 13 ng batas Marso 30, 1971, bilang 118, gayun din ang pension para sa mga bingi na nasasaad sa artikulo 1 ng batas May 26, 1970, bilang 381.

Basahin rin:

Ano ang Assegno Sociale at bakit importante ang halaga nito para sa mga dayuhan? 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paskong Pilipino sa Italya

Catania, niyanig ng malakas na lindol. Mga Pilipino, maayos ang kalagayan