in

Eskwela, suspendido pa rin bukas sa Roma!

Alemanno, “Suspendido pa rin ang eskwela sa Martes”. Inaasahan pa rin ang bahagyang pag-ulan ng yelo sa hatinggabi.

alt

Ang alkalde ay nakipagtalo sa Civil Protection. Sa maraming lugar ang mga kalsada ay nagyeyelo pa rin, mabagal ang kilos ng mga sasakyan. Sa Lazio, 50 libo ang wala pa ring ilaw.

Roma – Pebrero 6, 2012 –  Suspendido pa rin ang eskwela bukas, Martes sa Roma. Sa halip ang mga public offices ay magbubukas muli. Ang alkalde ng Roma na si Gianni Alemanno ay nag-order muli ng pagsasara ng mga eskwelahan sa Pebrero 7. Ito ay ang ikatlong magkakasunod na araw ng pagsasara ng mga eskwelahan: Biyernes, ang mayor ay nag-utos lamang ng hindi pagkakaroon ng leksyon; samantala noong Sabado, Lunes at Martes ay ipinag-utos ang pagsasara ng mga institusyon. Mahirap pa rin ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Lazio. Ayon kay Polverini, ito ay isang ‘state of calamity’.

“87 snowplow” – “Mula Biyernes hanggang ngayong araw na ito, 87 mga snowplow” ang makikita sa mga lansangan sa Roma: Ang Direktor ng Civil Protection sa Roma na si Tommaso Profeta ay tiniyak ang gamit ng mga ito matapos ang mainit na isyu ukol sa kakulangan ng sapat na mga kagamitan upang matugunan ang emerhensya mula noong nakaraang Biyernes at pinatunayang fully funcyional ang mga ito. “Para sa maliliit na kalye – dagdag pa ni Profeta – ay naglaan ng 40 snowplow na bobcat.” Para naman sa pagkakalat ng asin ay gumamit ng 29 ‘spargisale’ at 94 na iba pang mga kagamitan na nagdala ng asin sa iba’t ibang lugar at pagkatapos ay sinaboy ito sa mga lansangan. Dagdag pa dito ang mga sweepers buhat sa AMA.

Samantala, ang Protezione Civile sa Roma Capitale ay sinabing nakatanggap ng isang komunikasyon mula sa Kagawaran ng Civil Protection ng pahayag ukol sa weather forecast sa Roma para sa araw na Lunes, Martes at Miyerkules, Pebrero 8.Sa Lunes, Pebrero 6 ay bahagyang maulap at maaraw. Sa paglalim ng gabi ay ang pagkapal ng ulap, samantala sa hatinggabi ay inaasahan ang bahagyang pag-ulan muli ng snow, lalo na sa mga coastal na lugar. Ang temperature ay nanatiling mas mababa sa 0 degree. Samantala sa Martes, Pebrero 7 ang langit ay maulap, may posibilidad ng bahagyang pag-ulan ng snow sa umaga. Ang temperatura ay nanatiling napakalamig. Sa Miyerkules, Pebrero 8 ay maulap at nananatiling napalamig ang temperature ngunit bahagyang tataas ito. (photos by: Boyet Abucay)

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga bagong halaga ng kontribusyon sa Inps para sa mga colf, caregivers at baby sitters

Moroccan nangholdap ng Pinoy inaresto