Rome, Oct 12, 2012 – Nanalo ng Nobel Peace Prize sa taong 2012 ang European Union para sa kanyang papel na pag-isahin ang kontinente. Ito anginihayag ng Norwegian Nobel committee na nagbigay ng premyo, na itinuturing na isang moral boost sa patuloy na pakikipaglaban sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya.
Pinuri ng committee ang EU sa muling pagkakabuo nito matapos ang Second World War at para sa kanyang role sa patuloy na pag-promote ng stability ng mga ex-communist countries matapos ang pagbagsak ng Berlin Wall noong 1989.
Ang Pangulo ng European Parliament na si Martin Schulz sa pamamagitan ng Twitter ay sinabing tunay na natutuwa at ikinararangal ang pagkapanalo ng Nobel Prize.