in

Fake na website at app para sa bonus bici, nagkalat sa web!

Ang nalalapit na paglabas ng pinakahihintay ng marami, ang official app ng bonus bici ay sinabayan ng pagkalat sa web ng mga fake na website at app na nag-aalok ng diumano’y bonus bici.

Ito ay scam at ang sinumang babagsak sa patibong ng fake na voucher ay nanganganib na mawalan ng bonus! 

Sa katunayan, mahigpit ang naging paalala si Environment Minister Sergio Costa kamakailan. 

 Kapag handa na ang official app sa website ng Ministry of Environment, ito ay ang nag-iisang website kung saan maaaring mag-aplay ng bonus, at ang komunikasyon ng paglabas ng official app ay isasa-publiko ng mas maaga upang masiguradong makakarating sa mas marami”. 

Kakailanganin ang SPID o ang Sistema Pubblico di Identità Digitale sa official app sa website ng Ministry of Environment –www.miniambiente.it.

Inaasahan ang paglabas ng app bago magtapos ang buwan ng Hulyo o simula ng Agosto. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization: Maaari bang pirmahan ang contratto di soggiorno kung expired ang pasaporte?

Mga papasok sa Italya mula Romania at Bulgaria, may mandatory quarantine