in

Fake website ng Inps para sa Reddito di Cittadinanza, marami ang naloko

Marami ang naloko ng isang fake website ng Inps para makapag-aplay ng Reddito di Cittadinanza.

Marami ang naghahangad na matanggap ang tanyag na Reddito di Cittadinanza, ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng €780,00 kada buwan na nakalaan sa mga walang trabaho o maliit ang sahod, mga pensyunado at mga mamamayang mahirap. Katibayan nito ay ang pagkakahulog sa bitag ng isang anunsyo ukol sa reddito di cittadinanza mula sa isang fake website kamakailan. Ito ay ang website ng Imps o Istituto mondiale provvidenza solare.

At  sa paghahangad na matanggap ang benepisyo, ay higit sa 700,000 katao ang naloko nito at seryosong sinunod ang prosesong nasasaad dito upang matanggap ang benepisyo.

Ang website ng Imps ay nilikha ng Ars Digitalia, isang ahensya na nakabase sa Napoli, na gumagawa ng mga website, software at mobile apps.

Ang kanilang esperimento ay nagbunga ng isang kapaki-pakinabang na resulta. Sa katunayan, hanggang noong nakaraang Dec 15, 2018, ang fake website ay nagtala ng 722,000 views. Iba-iba ang mga naitalang viewers nito kabilang na ang mga regular na dayuhan na nag-fill up ng application form.

Ang pagpi fill up ng mga application form ay hindi nagpapahintulot sa registration ng mga  personal details”, bigay diin ni Domenico Neto, isa sa mga miyembro ng Ars Digitalia.

Tulad ng napansin ng mga nag-filled up ng form, ay naba-blocked ang online system sa bahaging ‘send application’. Sa katunayan, marami ang direktang nakipag-ugnayan sa IT Company dahil umano sa isang error sa sistema nito.

Gayunpaman, ipinaliwanag sa kanila na ito ay isang ‘biro’ o ‘joke’ lamang na hindi madaling tinanggap ng karamihan.

Partikular, kapansin-pansin ang maraming imigranteng nahulog sa patibong. Ayon sa IT company, sa halip na reddito di cittadinanza ang nakasulat ay “reddido di giddadinanza“, ngunit ito ay hindi naging hadlang bagkus ay nagpatuloy par in ang mga imgrante sa pagbibigay ng personal datas at yearly income.

Tiyak, na isa sa mga pangunahing layunin ng fake website ay upang ipakita sa naghangad ng reddito di cittadinanza, ang M5S, ang epektong hatid nito sa marami. At ikalawa, marahil ang pinakamahalaga, ay ang turuan ang mga mamamayan ukol sa maingat na paggamit ng mundo ng internet at panganib sa pagbibigay ng mga personal details tulad ng dokumento at iba pa.

At siguradong bahagi ng layunin ng gumawa ng fake website ang gumawa ng publicity ng kumpanya.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italya, red alert ngayong Kapaskuhan

Renewal ng permit to stay, ipagkakait ba sa dayuhan kung nag-renew makalipas ang 60 araw ng expiration nito?