Updated na ang Covid protocol para sa mga manggagawa sa private sector. Narito ang bagong regulasyon na may bisa hanggang sa October 31, upang labanan ang pagkalat ng pandemya sa Italya, kung saan nagpapatuloy ang pagdami ng mga kaso
FFP2 protective mask, ang bagong regulasyon
Tulad sa pampublikong sektor, hindi na mandatory sa pribadong sektor ang paggamit ng mask, ngunit nananatili itong inirerekomenda. Ang employer na lamang ang magdedesisyon kung nais nyang gawing mandatory o hindi ang paggamit ng mask sa oras ng trabaho, tulad sa ibang sektor: kalusugan at transportasyon. Gayunpaman, ang mask Ffp2 ay ang itinuturing na pangunahing proteksyon para sa kalusugan ng mga manggagawa, partikular sa mga saradong lugar, o sa mga lugar kung saan hindi magagarantiya ang social distancing. Obligado ang employer na tiyakin ang availability ng mga mask upang magamit ng mga workers.
Smartworking
Magpapatuloy ang posibilidad ng smartworking o work from home hanggang sa katapusan ng taong 2022, partikular sa mga mahihina ang resistensya o ‘fragile’, na pinaka nasa panganib sa Covid.
Sanitation at pag-check ng body temperature
Kumpirmado ang regulasyon ukol sa sanitation sa work place at ang pagche-check ng body temperature sa entrance. Kailanganing tiyakin ng employer ang araw-araw na paglilinis ng mga workstation, common at leisure areas. Ang sinumang may temperature mula 37.5 ° C, ay hindi makakapasok sa opisina o sa workplace.
Mga canteen at changing rooms
Ang Covid protocol sa pribadong sektor ay itinalaga din ang sanitation sa mga changing rooms o spogliatoi upang magarantisa ang angkop na kondisyon.
Para naman sa mga canteen o mense, dapat iwasan ang ‘assembramenti’ at samakatwid, ay dapat magkaroon ng staggered entries at exits. (PGA)