in

Formation and Training Courses: mga bagong entries para sa taong 2011

altInaprubahan ng Ministry of Labour at Social Affairs, noong Hulyo 11, 2011, at ni-rehistro ng Ufficio Centrale del Bilancio noong Hulyo 26, 2011, ang isang Ministerial decree na nagpapahayag ng kabuuang bilang ng mga dayuhang maaaring makapasok ng bansa na may sapat na requirements upang makatanggap ng student visa.

Alinsunod sa Artikulo 44 – bis, paragraph 6 ng D.P.R. 394/1999 at sinusugan sa pamamagitan ng D.P.R. 334/2004 ay nagsasaad ng:

– 5000 entries para sa mga vocational training para sa isang kwalipikasyon o sertipikasyon na hindi bababà sa 24 buwan;

– 5000 entries naman para sa internship at orientation tulad ng nasasaad sa art. 2 talata 1 ng decree ng Ministry of Labour at Social Security noong Marso 25, 1998 n. 142, upang  makumpleto ang isang kurso ng bokasyonal at pagsasanay.

Ang mga entries o bilang ng papasok na sasailalaim sa mga nasabing formation at training ay ibabahagi sa iba’t ibang mga rehiyon at mga autonomous Province na napapaloob sa decree.
 

Il Decreto Ministeriale

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MoneyGram supports education in Batangas

Pekeng hiring pa rin ng mga care givers: 43 nireport sa pangangako ng Permit to Stay