in

Gastusin para sa mga caregivers, mataas na rin ayon sa DOMINA

Ang gastusin para sa isang caregiver ay naging mataas na rin para sa maraming mga italian famiglies. Ito ay ayon kay Lorenzo Gasparrini, ang Secretary General ng DOMINA o Associazione Nazionale Famiglie Datori di lavoro. Sa kabila nito, ito ay isang pangangailangang kailangang tugunan ng mga pamilya.

Sa katunayan para sa mga caregivers lamang ay taunang gumagasta ang mga pamilya ng 7.3 bilyon (kabilang ang sahod, separation pay at kontribusyon). Sa kawalan ng serbisyo na ito, gayunpaman, ang estado ay higit na malaki ang magiging gastos para sa hospitalization ng mga matatanda sa mga home for the aged.

Ayon pa sa kalkulasyon ng DOMINA, halos 8.1% lamang ng mga pensioners ang may kakayahang magbayad ng caregiver (sa antas na CS). Mas madali umano ang magkaroon ng part timer lamang. Sa katunayan, 50% ng mga pensioners ang may kakayahang magbayad ng 5 hrs weekly at 20% lamang ang may kakayahang magbayad ng 25 hrs.

Kahit pa isama ang pension ng asawa, ang average savings ng isang over 65 ay tinatayang € 3.817 lamang kada taon kung walang anak.

Dahil sa mga nabanggit ay “kakailanganin sa lalong madaling panahon ang isang reporma na makakatulong sa mga employers para sa total deduction ng gastusin ng mga caregivers”, dagdag pa ni Gasparrini bilang solusyon sa kasalukuyan. “Ang mga pamilya ay may karapatang mamuhay ng payapa sa bawat estado ng kanilang buhay nang walang aalalahaning problema sa hinaharap kung hindi gagawing regular ang employment ng caregiver”.

Matatandaang halos 2 milyon ang mga domestic workers sa Italya. At sa bilang na ito ay 41% lamang ang regular na nakatala sa Inps. Gayunpaman, ito ay ang sektor na nagbibigay ng 1.3% ng GDP (€ 18.96 bilyon na Added Value).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong buwis sa mga remittances, nais ng gobyerno

Mga Pinoy colf, paboritong biktima ng budol-budol