in

Giorgio Napolitano, ang Pangulo ng mga New Italians

Ang imigrasyon ay “pangunahing enerhiya” at ang pagkamamamayan sa ikalawang henerasyon. Ito ang direksyon ng Head of State.

Roma – Abril 23, 2013 – Ang mga imigrante ay isang yaman na hindi dapat palampasin ng bansang Italya, ang kanilang anak ay pawang mga italyano.

Ito, sa isang pangungusap – ang pananaw ni Napolitano sa imigrasyon. Isang direksyon na pinandigan ng Pangulo ng Republika sa nagdaang pitong taon kung saan tila mahihirapang mapalitan sa kanyang bagong mandate sa Quirinale, na sinimulan kahapon sa kanyang panunumpa sa harapan ng Parliyemento.

Ngunit bakit, tulad ng kanyang ipinaliwanag sa isa sa huling pananalita noong nakaraang taon, ang Italya na sana’y sa kabuuan ng kanyang civil at cultural values ay isang bansang alam at kayang tumanggap sa sinumang naghahangad ng proteksyon bilang refugee o trabaho at magiging bahagi ng bagong human resources para sa ating pag-unlad”. Isang bansang “handang palaguin sa pagbubukas at pagtanggap”, ngunit nagtatanong “kung dapat ba ang mga kabataang ipinanganak at lumaki sa bansang Italya ay manatiling dayuhan”.

Na para kay Giorgio Napolitano, ay isang malaking kahangalan ang hindi pagkilala ng italian citizenship sa mga kabataang ito. “Kung wala ang mga kabataang ito – pagpapaliwanag sa kanyang pagtanggap sa ilang kabataan noong 2011 sa Quirinale – ang ating bansa ay dapat sanay isang ‘matandang’ bansa na at mababa ang kapasidad sa pag-unlad. Kung wala ang kanilang konrtibusyon sa hinaharap para sa sosyedad at para sa ekonomiya ng bansa, maging ang pagiging baon sa public debit ay magiging mahirap harapin”.

 “Sa loob ng iba’t ibang reporma sa batas ng pagkamamamayan – bigay-diin ni Pangulo – ang pangunahing katanungan ng mga kabataang ito ay nananatiling bukas sa kasalukuyan. Karamihan sa kanila ay hindi maaaring kilalaning pormal na ating mga kababayan dahil ang batas ay hindi ito pinahihintulutan, ngunit sila ay ating mga kababayan sa araw araw na pamumuhay, sa pakiramdam, at sa pagtanggap ng kanilang identidad”.

Mga salitang nananatiling salita lamang sa nagdaang gobyerno: sa bagong Parliyamento at sa magiging gobyerno, ang layuning ito ay gawin sanang panimula. Ang anak ng mga imigrante ay patuloy na umaasa sa pagkakaroon ng kanilang sponsor sa Quirinale.

Ang kanilang mga magulang? “Ang mga imigrante sa Italya – tulad ng isinulat ni Napolitano isang buwan pa lamang ang nakakalipas – ay mahalagang bahagi ng populasyon, tulad ng lakas sa paggawa at pinagmumulan ng pangunahing enerhiya para sa isang sosyedad na patuloy ang pagtanda”

 “Ang hindi pagtanggap sa imigrasyon ay dapat na isaalang-alang bilang isang pagtanggi sa reyalidad, bunga ng di makatwirang takot na karaniwang hatid ng public debate. Sa halip, ang imigrasyon na hindi maiiwasan, ay dapat na may kasamang angkop na politika, dahil ang sinumang nagtungo sa bansang Italya upang magtrabaho ay karapat-dapat na igalang, bilang pagsunod sa ating batas”.

“Isang bansa na babalik sa pag-unlad, na naghahangad na maging isang bansang bukas sa pamumuhay sibil at isang Italya na titingnan ng mga imigarnte ng may paniniwala. At isang Italya – ayon pa sa Pangulo ng Republika – na hinahangad ko para sa ating lahat”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Giorgio Napolitano, muling Pangulo ng Republika

National Collective Agreement para sa domestic job, na-renew na