in

Green pass, ibibigay sa mga nagpabakuna sa ibang bansa at ang booster dose sa Italya

Bibigyan ng Green pass ang sinumang nakatanggap ng non-EMA vaccines sa ibang bansa at pagkatapos ay magpapabakuna ng booster dose ng Pfizer o Moderna sa Italya, sa loob ng anim na buwan pagkatapos ng huling dosis ng non-EMA vaccine.

Ang lahat ng mga nabakunahan sa labas ng Italya ng mga bakunang walang pahintulot mula sa European Medicines Agency (EMA) tulad ng Sputnic at Sinovac ay maaaring bakunahan ng booster dose sa Italya sa pamamagitan ng Pfizer at Moderna vaccines. Ang booster dose ay maaaring ibigay makalipas ang 28 araw hanggang maximum na 6 na buwan (180 days) mula sa petsa ng huling dosis ng unang cycle ng bakuna anti-Covid19. 

Ito ay nasasaad sa isang Circular na nilagdaan ni Gianni Rezza, ang prevention director ng Ministry of Health.  

Ang apat na bakunang aprubado ng EMA ay ang Pfizer, Moderna, Astrazeneca at J&J. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Bonus terme, narito ang mga detalye

Mga bagong panuntunan sa paggamit ng Monopattino, narito ang maikling gabay