in

Green pass, mandatory sa mga magulang sa scuola materna at asilo nido

Bonus Asilo Nido 2021, isang gabay

Ang bagong decreto ng gobyerno ay nagsasaad ng muling pagpapalawig ng Green pass sa lahat ng papasok sa mga paaralan, kasama ang mga scuola materna  at asilo nido.  

Samakatwid, sa back to school, mandatory din ang pagkakaroon ng Green pass para sa mga magulang na nais makapasok ng paaralan. Kasama dito ang mga magulang na papasok ng scuola materna at asilo nido upang maghatid ng mga anak. Ito ang itinalaga ng decreto legge na inaprubahan ng gobyerno ni Draghi noong nakaraang Sept 9, na ilalathala sa Official Gazzete. 

Kung walang Green pass ay hindi pahihintulutan ang pagpasok sa paaralan at samakatwid ang staff ng paaralan o scuola materna ang magpapasok sa bata sa loob ng paaralan.

Ang sinumang hindi susunod sa bagong patakaran ay maaaring mamultahan mula €400,00 hanggang € 1,000.00. 

Ang mga mag-aaral under 12 at ang mga mag-aaral ng Superiore ay hindi kakailanganin ang Green pass sa kanilang pagpasok sa paaralan. Samantala, mandatory ang Green pass sa mga university students

Ang bagong regulasyon na itinakda ng gobyerno sa mga paaralan ay mananatiling may bisa hanggang sa Disyembre 31, 2021, sa pagtatapos ng State of Emergency sa bansa.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

6 Rehiyon ng Italya, red o high risk zone sa update map ng ECDC

Ako Ay Pilipino

Colf, nag-positibo sa Covid19, ano ang matatanggap mula sa CassaColf?