Pinirmahan na ng Punong Ministro Mario Draghi, ang DPCM (Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri) na tumutukoy sa pamamaraan nang pag-iisyu ng COVID-19 digital green certificate.
Ang kilala sa tawag na Green Pass ay makatutulong sa ligtas na muling pagbalik sa normal na pamumuhay tulad ng partesipasyon sa iba’t ibang mga okasyon at pagdiriwang, sa pagpunta sa mga health residence tulad ng RSA, at pagbibiyahe sa loob ng bansa.
Sa pamamagitan ng pinirmahang DPCM ay maipatutupad ang mga kundisyon at regulasyon sa Green Pass ng EU na magsisimula sa July 1, 2021. Sinisigurado din nito ang interoperability o ang pagiging balido ng mga digital certificate ng lahat ng bansa ng Europa.
Bukod sa digital format nito, ito ay maaari ring i-request sa mga medico di base, pediatrician o farmacia gamit ang tessera sanitaria.
Ang certificate ay nagtataglay ng QR Code na magpapahintulot sa pagsusuri ng authenticity at validity nito. (PGA)
Basahin din:
- European Green Pass at Italian Green Pass, ano ang pagkakaiba?
- Digital Green Certificate, tuloy na tuloy na sa July 1