Ang Green pass ay mandatory para sa lahat ng mga manggagawa at sa lahat ng workplace simula ngayong araw, October 15, 2021. Samakatwid, upang magkaroon ng access sa work place ay kakailanganin ang pagkakaroon ng bakuna o ang pagkakaroon ng Covid 19 test o ang paggaling sa Covid19.
Narito ang bagong regulasyon ukol sa Green pass
Mandatory ang Green pass
Simula Oct 15, ang Green pass ay mandatory para sa lahat ng mga manggagawa sa publiko at pribadong sektor, self-employed, mayroong Partitva Iva, mga abogado, colf at mga caregivers, taxi drivers, trabahador sa supermarkets at iba pa.
Suspensyon ng sahod, social contributions at iba pa
Lahat ng mga workers ay kailangang magpakita ng kani-kanilang Green pass sa pagpasok sa trabaho. Ang sinumang walang Green pass ay hindi makakapasok sa trabaho at ang mga araw ng pagliban ay unjustified. Bukod sa sahod at anumang uri ng komisyon ay kasamang hindi babayaran ang social contributions. Ang mga araw ng pagliban na itinuturing na ‘hindi makatwiran’ ay hindi kasama sa bilang para sa matutiry ng ferie o bakasyon at anzianità di servizio o seniority o length of service bonus.
Multa
Nasasaad sa bagong dekreto ang multa mula € 600,00 hanggang € 1500,00 kung madidiskubre ang pag-iwas ng worker sa kontrol upang makapasok sa trabaho nang walang Green.
Kung ang employer ang hindi magsusuri ng Green pass, ang multa ay mula € 400,00 hanggang €1000,00. Kailangang panatilihin ang privacy ng worker kung paano nagkaroon ng Green pass: maaaring dahil sa bakuna, tampone o paggaling sa Covid19. Nasasaad din sa Guideline na hindi pinahihintulutan ang paghingi ng employer ng kopya ng printed Green pass mula sa mga employees.
Paano isasagawa ang pagsusuri ng Green pass
Ang taong mamamahala sa pagche-check ng Green pass ay ang employer at maaaring magtalaga ng isang staff o ng manager, na gagawan ng written authorization. Ang Guideline ay nagbibigay ng karapatan sa employer na pumili ng paraan ng pagpapatupad. Ang pagsusuri sa Green pass ay maaaring gawin sa pagpasok ng mga empleyado. Upang maiwasan ang pila at delayed sa trabaho ng mga employees, ay maaaring gawin ang ‘random check’ sa Green pass, na hindi bababa sa 20% ng mga empleyado araw-araw at siguraduhin na mache-check ang lahat ng mga empleyado. Maaaring gamitin ang app Verifica C-19 sa pagkokontrol ng Green pass.
Swab Test
Price control ng rapid antigen test sa mga pharmacies na dapat ay nagkakahalaga ng € 15,00 sa mga adults at € 8,00 naman para sa mga menor de edad. Ang validity ng molecular test para sa green pass ay balido hanggang 72 hrs mula 48 hrs (ngunit hinihintay pa itong aprubahan ng Parliyamento). (PGA)