in

Green Pass sa mga bars at restaurants, kailan mandatory at kailan hindi

Mula sa August 6, ang Green Pass ay mandatory sa mga bars at restaurants. 

Ang Green Pass ay magiging isang mahalagang dokumento upang makapasok sa ilang commercial activities na bukas sa publiko tulad ng mga bars at restaurants, bagaman hindi palagi. 

Narito kung kailan mandatory ang Green pass at kailan hindi, sa mga bars at restaurants

Sa huling dekreto na pinirmahan ng kasalukuyang gobyerno ay binigyang-diin na ang Green Pass ay mahalaga upang makapasok sa mga bars at restaurants, partikular kung dine-in. 

Sa parehong dekreto ay nasasaad na ang Green Pass ay mandatory kung ang consumer ay nais mag dine-in o ang manatili sa loob ng bar at restaurant habang kumakain. Dahil dito, ang Green Pass ay hindi kailangan sa loob ng bar at restaurant kung: 

  • Iinom ng kape o cappuccino sa ‘bancone’,
  • Magpupunta ng banyo,
  • Magbabayad sa cashier,
  • Kukunin ang inorder for take-out,
  • Mananatili sa bahaging open air o outdoor ng bar o restaurant o ang tinatawag na al fresco dining. 

Green Pass, posibleng gawin mandatory sa transportasyon?

Habang naghihintay nang ganap na pagpapatupad ng bagong regulasyon, ang gobyerno ay naghahanda na para sa susunod na hakbang upang ipagpatuloy ang laban sa muling pagbabanta ng Covid19 sa pagkalat ng mga variants. Partikular, ayon sa mga huling ulat, hangarin ng Palazzo Chigi ang palawakin pa ang pagiging mandatory ng Green pass. Sa katunayan, sa mga susunod na araw ay inaasahang tatalakayin sa Konseho ng mga Ministro ang pagpapalawig ng gamit ng green pass sa transportation tulad ng barko, eroplano at tren. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

ako-ay-pilipino

Quarantine ng colf mula sa bakasyon, ituturing na permesso non retribuito

Ako Ay Pilipino

Colf, maaari bang tanggalin sa trabaho dahil walang Green Pass?