Mararamdaman sa bansa ang unang heatwave ng taon at inaasahang papalo hanggang 40° sa Biyernes, July 31, ayon sa Ministry of Health.
Isinailalim sa red alert ang sampung lungsod: Roma, Bologna, Turin, Florence, Campobasso, Pescara, Rieti, Frosinone, Bolzano at Perugia.
Ang huling dalawang nabanggit ay red alert na kahit ngayong araw, Miyerkules July 29.
Ayon sa weather forecast ng meteo.it ang heatwave mula sa North Africa ay inaasahang matindi pa rin sa mga susunod na araw, partikular sa unang weekend ng buwan ng Agosto.
Sa Sabado, Agosto 1, ang African anticyclone ay hindi mapipigilan mula Hilaga hanggang Timog: ang thermometer ay aabot hanggang 40 °, lalo na sa Tuscany. Papalo naman sa 38° sa Lazio.
Ang init ay mararamdaman din kahit sa gabi at ang temperature ay hindi bababa ng 23-25 °.
Kailan magtatapos ang heat wave?
Sa Linggo 2, pagkatapos ng isang matinding init, ay bababa naman mula sa North Europe ang bahagyang pag-ulan sa Piemonte, Lombardia at Veneto.
At sa August 3 naman ay magkakaroon din ng bahagyang pag-ulan sa Central South. (PGA)