Ayon sa isang komunikasyon mula sa Inps na may petsa ng March 15, 2022, ang assegno unico e universale para sa buwan ng Marso, ay simulang ipinadala noong March 16, 2022. Ito ay para sa 3 milyong aplikante na nakapagsumite ng aplikasyon hanggang February 28, 2022 at ang pagpapadala ng assegno ay magtatagal hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso.
Gayunpaman, posible na hindi pa natatanggap ang assegno unico e universale dahil sa dalawang dahilan:
- Ayon sa articolo ng Sole 24 ng March 22, 2022, sa 3 milyong aplikasyon, 200,000 pa ang sinusuri at 18,000 naman ang ipinadala sa Inps anti-fraud operational unit dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- may ilang family unit na naninirahan sa parehong address,
- maraming mga anak,
- ang codice fiscale ng mga anak ay mayroong iba’t ibang home address,
- ang ISEE ng pamilya ay mas mababa sa 40,000 at nakatanggap ng €50,00 kada anak.
2. Ang mga aplikasyon na ipinadala sa buwan ng Marso ay inaasahang makakatanggap ng benepisyo simula April 16, 2022.
Ang aplikasyon para sa assegno unico e universale ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- website ng INPS (sa pamamagitan ng SPID, CIE – Carta d’Identità Elettronica o CNS – Carta Nazionale dei Servizi);
- numero verde 803.164 sa mga landline o 06.164.164 sa mga cellular phones;
- mga Patronato
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang:
Basahin din:
- Assegno Unico e Universale, kailan matatanggap?
- Sino ang makakatanggap ng Assegno Unico e Universale?
- Ang halaga ng Assegno Unico 2022, batay sa ISEE
- Assegno Unico e Universale 2022, ang FAQs mula sa Inps