in

Hindi pagbabayad ng social security contributions at buwis sa domestic job, paiigtingin pa ang mga kontrol

Ako ay Pilipino

Ang draft (samakatwid ay sumasailalim pa sa pag-aaral at pagsusuri) ng Budget bill ay may malinaw na indikasyon: pagpapaigting pa sa mga kontrol sa domestic job, partikular sa mga colf at caregivers, upang labanan ang hindi pagbabayad ng social security contributions at buwis sa sektor. Bagaman layuning nito ang gawing higit na ‘transparent’ ang sektor, may mga nagpahayag ng pangamba na posibleng maging sanhi umano ito ng mas maraming non-declared job o lavoro nero.

Isa sa pangunahing hakbang na nilalaman ng draft ay ang obligasyon na magkaroon ng “full interoperability of databases” at magsagawa ng “risk analysis activities and controls on salary and contribution datas” ang Agenzia delle Entrate at INPS. Ito ay nangangahulugan ng pagpapatupad sa mekanismo ng cross- reference data sa pagitan ng dalawang ahensya upang matukoy ang anumang anomalya at iregularidad.

Bukod dito, ayon pa sa draft ay magsasagawa din ng mga hakbang na layuning bantayan ang sahod at kontribusyon ng mga domestic workers. Ito ay nangangahulugan na ang mga colf at caregivers ay sasailalim sa higit na pagsusuri upang masigurado na magagawa ang salary declaration ng tama at mababayaran ang kontribusyon ng regular.

Isa pang aspeto nito ay ang mahikayat sa kusang pagsunod ang mga workers. Ibibigay ng Agenzia delle Entrate ang mga data at impormasyong natanggap ng ahensya, upang magamit din sa pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng pre-filled form. Ang pagkakaroon ng access sa pre-filled form ng mga domestic workers ay magpapadali para sa paggawa ng kanilang salary/tax declaration.

Gayunpaman, mayroong nagpahayag ng alinlangan ukol dito. Una na ang presidente ng Assindatcolf, ang asosayon ng mga employers sa domestic job, Andrea Zini. Aniya malaking pagkakamali umano ang isipin na posibleng labanan ang iligal na trabaho sa domestic sector sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga datos na hawak ng Inps sa Agenzia dell’Entrate. Bagaman isang bagay na dapat gawin dalawampung taon na ang nakakalipas. Ito ay posibleng magsanhi umano ng mas maraming lavoro nero.

Mahalaga na labanan ang irregularities partikular ang hindi pagbabayad ng kontribusyon at buwis. Sa isang banda, mahalaga din na mapigilan ang higit na pagdami ng lavoro nero. Samakatiwd, ang tunay na hamon ay ang paghahanap ng pinakabalanseng paraan sa pagitan ng pagkokontrol at paghihikayat sa kusang pagsunod sa batas, upang matiyak ang ‘transparency’ sa sektor at ang proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa nang hindi mahihikayat sa paggawa ng mga labag sa hinihingi ng batas.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Higit 1 oras na tulog, hatid ng ora solare!

Application forms ng Decreto Flussi 2023, available na!