Mas pinadali ng Inps ang hiring o ang assunzione ng mga colf at caregivers sa Italya. Ito ay sa pamamagitan ng APP Inps Mobile.
Inanunsyo ng INPS sa isang press release noong April 14, 2023 ang bagong paraan ng komunikasyon kaugnayan sa page-empleyo sa domestic job. Salamat sa bagong function ng APP Inps Mobile ang mga employers ay maaari na ring gawin ang komunikasyon ng hiring ng mga colf at caregivers o ang tinatawag na ‘comunicazione obbligatoria’ direkta sa sariling smartphone.
Ang APP Inps Mobile ay maaaring i-download nang LIBRE mula sa online store.
Basahin din: App para sa mga serbisyo ng Inps
Ang bagong serbisyo ay idinagdag sa mga naunang serbisyo na inilagay ng ahensya sa APP para sa mga employers tulad ng pagbabayad ng kontribusyon at mga notipikasyon.
Comunizaione Obbligatoria sa domestic job
Tandaan na nasasaad sa batas na sa domestic job ay mandatory ang komunikasyon ng hiring ng colf sa Inps online sa loob ng 24 na oras bago ang simula ng trabaho.
Ang komunikasyon ay maaaring gawin direkta ng employer o sa pamamagitan ng mga Patronati. Bilang alternatiba ay maaaring tumawag sa Contact Center ng INPS.
Basahin din: Inps, narito ang Contact Center
Ang komunikasyon ay balido din para sa INAIL para sa coverage laban sa aksidente o injury.
Ang nabanggit na komunikasyon ay mandatory din kahit sa:
- Probation period;
- Occasional o discontinuous job;
- Worker na nai-declared na ng ibang employer para sa ibang trabaho;
- Worker na tumatanggap na ng pensyon.
Para sa mga employer na nais itong gawin nang sarili, sa access online ay kakailanganin ang SPID, CIE (Carta Identità Nazionale) at CNS (Carta Nazionale dei Servizi).
Matapos ang authentication, ay possible ang access sa section ng ‘lavoratori domestici’.
Tandaan na upang mai-declare ang ‘rapporto di lavoro domestico’ bukod sa personal at fiscal details ng employer ay kakailanganin din ang kopya ng balidong dokumento at permesso di soggiorno ng dayuhan kasama ang codice fiscale.
Kaugnay nito, simula 2022, ang mga employers sa domestic job ay may bagong regulasyon na dapat sundin partikular ukol sa employment contract. Ito ay nasasaad sa Decreto Trasparenza n. 104 ng 2022.
Basahin din: Employment contract ng mga domestic workers, may bagong regulasyon
Ang paglabag o hindi pagsunod at ang pagkakaantala sa nabanggit na obligasyon ay minumultahan mula € 200 hanggang € 500 para sa bawat worker na hindi nagampanan ang obligasyon. (PGA)