Sa Circular ng June 11, 2021 ay tinukoy ng Ministry of Health na ang bakunang Vaxzevria ng AstraZeneca ay maaari lamang iturok sa mga taong may edad mula 60 anyos pataas. Para sa lahat ng mga wala pang 60 taong gulang na nakatanggap ng unang dosis ng bakunang ito, ay dapat na kumpletuhin ang bakuna sa pamamagitan ng pangalawang dosis ng bakunang mRNA (Pfizer o Moderna).
Kasunod nito, ay muling nagpahayag ng opinyon ang Ministry ukol sa mix vaccines, sa pamamagitan ng Circular ng June 18, 2021. Sa nasabing Circular ay binibigyan ng posibilidad na makumpleto ang bakuna sa pamamagitan ng ikalawang dosis ng Vaxzevria AstraZeneca kahit wala pang 60 anyos.
Sa pamamagitan nito ay binibigyan ng pagkakataon na tanggihan ang pangalawang dosis na iba kaysa sa una o ang mix vaccines kung magpapahayag ng pagnanais na magpatuloy sa parehong bakuna na ginamit sa unang dosis, sa ilalim ng ilang kondisyon.
Paano at sino ang maaaring tumanggi sa mix vaccination
Kinikilala ng Ministry of Health ang posibilidad na tanggihan ang mix vaccines ng mga under 60 kung:
- Ang unang dosis na natanggap ay ang bakunang Vaxzevria AstraZeneca;
- Nakatanggap ng mga angkop at dokumentadong impormasyon mula sa nagbabakuna o operator ng vaccination center ukol sa panganib na hatid ng ng VITT;
- mayroong pirmadong informed consent;
- mayroong medical certificate.
Pagkatapos ay maaari nang maibigay ang pangalawang dosis ng AstraZeneca. Gayunpaman, nananatiling pangunahing indikasyon ang ikalawang dosis ng bakunang mRNA sa mga taong may edad mula 60 anyos pataas. (PGA)