Habang ang mga Comune ay nagsisimula sa pamamahagi ng mga voucher ng buono spesa para sa food supplies, na nakalaan para sa mga higit na nangangailangan at apektado ng emerhensyang hatid ng coronavirus, ang mga asosasyon at unyon ay inireklamo ang “ilang Comune dahil tinanggal ang mga dayuhan sa mga makakatanggap ng buono spesa o sa ilang kaso ay nakalaan lamang sa mga lungo soggiornanti o mayroong EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno. Ito ay hindi makatarungan at taliwas sa kasalukuyang mga batas“.
Ang Asgi, Arci, Caritas, Cgil, Anolf at Italiani Senza Cittadinanza at ilang signatories ay nananawagan online bilang pag-apila dahil ang tulong mula gobyerno ay upang matugunan ang lahat ng mga nawalan ng trabaho.
Dapat ay matugunan ang pangangailangan ng lahat na bumubuo sa komunidad at dumadanas ng epekto ng sitwasyong ito, anuman ang nasyonalidad, uri ng dokumento ng pananatili at panahon ng pananatili sa bansa”.
Ipinaalala ng mga asosasyon ang art. 2, 41 at 43 ng TU Immigrazione, pati na rin ang ibang mga direktiba sa EU na sinisigurado ang pantay na trato – katulad ng sa mga Italians – sa pagtanggap ng mga serbisyong sosyal sa lahat ng mga dayuhang regular na naninirahan sa bansa, kahit pa ang permit to stay ay para sa pamilya, trabaho o international protection; samakatuwid, ang mga Comune ay hindi dapat isaalang-alang ang pagkakaiba ng mga dokumento.
Bukod dito ay mayroon ding mga undocumented na walang permit to stay at wala ring posibilidad na makabalik sa sariling bansa dahil sa lockdown ng maraming bansa. At samakatwid ay nasa Italya, walang trabaho sa kasalukuyan at walang tiyak na tulong na matatanggap. “Hindi sila dapat ipagsawalang bahala at walang dahilan upang sila ay hindi isama sa makakatanggap ng mga relief goods” (tulad ng nasasaad sa Ordinanza n. 658).
Nairto ang mga panawagan ng mga asosasyon:
- Isama ang lahat ng mga dayuhang mamamayan na regular na naninirahan sa bansa, kahit pa short stay lamang, upang hindi magkaroon ng paglabag sa batas;
- Isama ang lahat ng mga dayuhang nasa renewal ang mga permit to stay at isaalang-alang ang extension ng validity ng dokumentong nabanggit hanggang June 15, 2020 (art. 103 DL 18/2020).
- Isama kahit ang mga dayuhang undocumented o walang permit to stay, dahil ang pagbibigay ng buono spesa ay tumutukoy sa lugar na tinitirahan, at batay din sa impormasyon na mayroon ang social welfare services.
- Isama ang lahat, Italyano o dayuhan man na hindi nakatala sa Anagrafe dahil tunay na naninirahan sa Comune. (PGA)