Aakyat hanggang 6% ang inflation rate sa Italya sa taong ito, at bababa sa 2.3% sa 2023. Ang implasyon o inflation ay tumutukoy sa pagtaas ng mga bilihin sa bansa.
Ito ay ayon sa kalkulasyon ng European Commission ngayong spring kung saan makikita rin ang pagtaas ng inflation rate sa Italya.
Noong nakaraang Pebrero, sa katunayan, ang kalkulasyon ng ehekutibo ng EU ng inflation rate sa Italya ay 3.8% noong 2022, at bababa umano sa 1.6% sa 2023.
Ngunit ang digmaan sa Ukraine ay pinalala ang sistema sa supply ng mga pagkain at ang epekto sa pagtaas sa presyo nito.
Bukod dito, ang Italya ay isa sa mga pangunahing bansa sa EU na nag-aangkat ng natural gas ng Russia at higit na maaapektuhan sa biglaang paghinto sa suplay nito, ayon pa sa European Commission.
Inflation rate sa Europa
Ang inflation rate na kasalukuyang hinaharap ng Europa ay ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng Economic and Monetary Union. Ito ay ayon kay European commissioner Paolo Gentiloni. Mula ng itatag noong 1988 ang EMU, ngayon lamang naitala sa Europa ang mabilis na pagtaas ng mga bilihin. Bukod dito, ang kasalukyang digmaan sa Ukraine ay naghahatid ng walang kasiguraduahn sa ekonomiya. Bagaman nananatiling positbo ang average gross domestic product ng mga bansa sa EU, ang digmaan ay naghahatid ng matinding pangamba at kawalan ng pag-asa sa mga pamilya at mga negosyante. Habang hinaharap ng EU ang mapait na epekto ng pandemya, ang digmaan ay hinahadlangan ng ekonomiya na dapat sanay nagsisimula nang umusad. Ito aniya ay matinding dagok at hamon sa katatagan ng Europa. (PGA)
Basahin din:
Implasyon sa Pilipinas umakyat sa 4.9%. Ano ang dapat gawin bilang mga Ofws?