in

INPS, may bagong website

Online na ang bagong website ang INPS, o National Institute for Social Security ng Italya, para sa mas madali at mas friendly na website. Ngunit kabaligtaran sa layunin nito, ito ay lumikha ng pagkalito sa maraming users dahil sa ilang pagbabago. Alamin ang mga pagbabago sa bagong website. 

Ipinapaalala na ang access sa website ww.inps.it, ay sa pamamagitan ng SPID, CIE (carta d’identità elettronica) at ang CNS (carta nazionale dei servizi).

Unang katanungan ng nakakarami ay “Nasaan na ang fascicolo previdenziale del cittadino?”. Matatandaang ang Fascicolo Previdenziale del Cittadino ay mahalaga upang malaman ang mga sumusunod:

  • ang status ng payment ng Naspi mula sa ahensya;
  • iba’t ibang bonus na ibinibigay ng gobyerno;
  • assegno unico;
  • ang disoccupazione Agricola;
  • at ang detalye ng pensyon ng susunod na buwan. 

Alamin kung paano ang access sa bagong website:

Una sa lahat, narito ang functions ng Menu:

  1. Search bar;
  2. Mga categories ng pension;
  3. Categories ng trabaho;
  4. Categories ng iba’t ibang support (sostegno), subsidies (sussidi) at mga allowances (indennità);
  5. Serbisyo para sa mga kumpanya (imprese) at free lancers (liberi professionisti) 

Para makita ang kinakailangang serbisyo ay maaaring isulat ito sa search bar at i-click ang salitang Ricerca o i-click ang category. Halimbawa, kung nais hanapin ang pagament di disoccupazione Naspi ay may dalawang pagpipilian:

  1. Isulat sa search bar ang fascicolo previdenziale del cittadino, i-click ang approfondisci at gamitin ang strumento.
  2. O i-click sa Menu: Sostegni, Sussidi e Indennità, at pagkatapos sa fascicolo previdenziale sa Strumenti section, sa itaas sa kanan. 

Samantala, para malaman ang status ng aplikasyon sa Naspi, ay kailangan ang mag-access sa Sostegni:

  1. Pagkatapos ay kinakailangan i-click ang vedi tutti I servizi sa sezione disoccupati (Kung saan makikita din ang Reddito di Cittadinanza). At kakailanganing hanapin ang NASpI indennità mensile di disoccupazione. 
  • Bilang alternatiba, maaaring isulat ang Naspi sa search bar, i-click sa approfondisci sa section: NASpI indennità mensile di disoccupazione. 

Basahin din:

“Verifica di Identità Digitale”, karagdagang verification para sa SPID mula sa INPS

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Reddito di Cittadinanza: 10 yrs residency, isang diskriminasyon

Bonus trasporto 2023, naaantala!