in

Isang taon ng panunungkulan ni Monti, maging para sa mga imigrante

Maraming naging desisyon ang ehekutibo na para rin sa mga dayuhang nasa Italya, mula sa mga long-term permit to stay ng mga nawalan ng trabaho hanggang sa regularization. Ngunit marami ring mga pangako ang hindi natupad at mga nasayang na pagkakataon.

Roma, Nob. 19, 2012 –  Ika-isang taon ng pamamahala ni Mario Monti noong nakaraang Nov 16 at ang kanyang mga pagkilos sa loob ng labindalawang buwan ay naramdaman ng bansa, sa kabutihan o hindi man, maging sa tema ng imigrasyon.

Na tila ang tema ay itinuring na mahalaga ni Professor Monti at noong nakaraang Nobyembre 16, 2011, ay tinawag upang manumpa sa mga kamay ng Pangulo ng Republika ang Ministro para sa Integrasyon at Internasyunal na Kooperasyon. At ipinagkaloob kay Andrea Riccardi (nang walang pagtutol) ang mga kompetensa na maaari sanay nasa kamay ng ilang ministro tulad nina Cancellieri (Interior), Fornero (Labor) at Terzi (Foreign Affairs).

Noong nakaraang Disyembre, ang unang financial budget ay ang tanyag na dekereto Salva Italia, kung saan hindi nakaligtaan maging ang mga dayuhan, sa panahon ng pagsasakripisyo ng lahat ng mamamayan ay itinakda ang  Imposta sul valore degli immobili situati all’estero na nakaapekto sa lahat ng mga bahay na ipinundar gamit ang salaping kinita at inipon sa Italya, maliban na lamang ang mga pag-aaring naipundar na noon pa man, sa sariling bansa. Ang parehong dekreto rin ang nagtalaga na ang sinumang naghihintay ng releasing o renewal ng mga permit to stay ay ganap na regular sa bansa.

Kung para sa mga Romanians at Bulgarians, ang 2012 ay nagsimulang buksan ang labor market, para sa mga non-EU nationals naman ay ipinatupad ang mga bagong buwis sa releasing at renewal ng mga permit to stay na sinimulan noong Jan 30, na mayroong halaga mula 80 hanggang 200 euros. Ito ay isang regalo buhat sa nakaraang gobyerno na pinirmahan ng mga Ministro ng Interior at Budget na sina Roberto Maroni at Giulio Tremonti, na higit na naging pabigat sa mga balikat sa mga dayuhang pamilya.

Sina Anna Maria Cancellieri at Andrea Riccardi ay nagsabing nais nilang “simulan ang mas malalim at maingat na pagsusuri" ng mga bagong buwis, at inisip na “ang pagpapatupad nito batay sa sahod at sa laki ng pamilya ng mga dayuhan”. Idinagdag pa dito ni Cancelieri ang posibilidad na doblehin ang duration ng mga permit to stay, upang hindi maramdaman ang mabigat na buwis. Ngunit ang kaganapan ng dalawang pangako ay nananatiling hinihintay ng mga dayuhan hanggang sa kasalukuyan.

Isa pang pamana ng nakaraang pamahalaan ang ipinatupad simula noong nakaraang Marso, ang integration agreement. Kung hanggang sa ngayon, ang mga lumagda sa mga Sportelli Unici per l’Immigrazione ng mga integration agreement (accordo di integrazione) ay nagpatuloy sa mga short courses ng civic education, ay kailangang hintayin ang 2014, kung ang mga lumagda ay mananatiling tapat sa pinirmahang kasunduan.

Isang uri ng buwis ang tinanggal ng pamahalaan ni Monti, ang buwis sa remittances ng mga undocumented na sinimulang ipatupad ng Lega Nord. Ito ay tinanggal noong nakaraang Marso sa pamamagitan ng dekreto ng Fiscal Simplification, upang manatiling tapat sa International policy ng Italya ukol sa pagbabawas ng charges sa remittances ng mga dayuhan na itinuturing na pangunahin sa pag-unlad ng mga bansang pinangmulan ng mga dayuhan.

Isa pang dekreto ukol sa simplifications ang tinanggal, ang pagpapadala ng mga contratto di soggiorno sa mga Sportello Unico sa mga bagong empleyo na mga dayuhang manggagawa. Gayun din ang pagpapadali sa pagpasok ng mga seasonal workers sa bansa, maging ang pagpirma ng panibangong kontrata na hindi na kailangan pang bumalik sa sariling bansa ng mga ito. 

Ang 35,000 seasonal workers (at ang 4000 workers na sumailalim sa mga kurso sa sariling bansa), ay itinalaga noong nakaraang spring, ang nag-iisang direct hire ngayong taong ito. Sa pagtanggap ng mga indikasyon mula sa mga eksperto ng Ministry of Labor, ang gobyerno sa katunayan, ay nagpasya na hindi buksan ang mga frontiers para sa pagpasok ng mga new subordinate workers, bagkus ay ang pahintulutan ang mga dayuhang nawalan ng trabaho sa Italya ang muling makahanap ng trabaho. 

Para sa mga nawalan ng trabaho, noong nakaraang summer, ay ipinagkaloob ang isang mahalagang pagbabago. Ang reporma sa labor market sa pangunguna ni Elsa Fornero ay pinahaba sa 12 buwan (na noong una ay 6 na buwan lamang) ang validity ng permit to stay (permesso di soggiorno per attesa occupazione) at ang pagtanggap ng kaukulang safety valves sa panahong ito upang maiwasan ang matanggalan ng permit to stay gayun din ng karapatang manatili sa bansang Italya.

Si Monti at kanyang mga kasama, ay ipinatupad sa wakas ang dalawang European directive, ang legislative decree 108/2012noong Hulyo, na nagpapahintulot ng pagpasok ng mga highly qualified workers. Hindi sakop ng anumang direct hire, mas mabilis na proseso ng pagpasok sa bansa at ang pagkakaloob ng super permit to stay o ang blue card.

Sa parehong panahon ay ipinatupad din ang legislative decree 109/2012, na nagpapatupad ng mas mabibigat na parusa sa sinumang mage-empleyo sa mga undocumented ngunit nagbibigay ng ‘premyo’ o pagkakataon sa sinumang magre-report sa anumang uri ng exploitation. Higit sa lahat, sa hiling ni Riccardi sa Parliyamento ay ipinatupad ang pinakahihintay na regularization.

Ang regularization ay nagkaroon ng 135,000 application na isinumite higit ng mga pamilya kaysa sa mga kumpanya mula noong  Sept 15 – Okt 15, gayunpaman, ito ay pinanghihanayan ng marami dahil higit diumanong irregulars ang dapat na nakinabang nito. Mga naapektuhan ng mataas na halaga at ilang requirements ng gobyerno, tulad ng katibayan ng pananatili sa bansa simula 2011 na nagkaroon lamang ng linaw sampung araw bago matapos ang itinakdang panahon ng pagtatapos ng regularization.

Ngayong linggong ito, ang gobyerno ay kasakuluyang nakatutok sa paghahanap ng solusyon para sa 20,000 refugees ng North Africa Emergency sa mga shelter. Simula Jan 1 ay nanganganib na manatili sa mga kalsada, at kung ang pagbibigay ng humanitarian permit to stay ang natitirang solusyon upang matugunan ang kanilang giuridical status, ang kawalan ng resources at extension ng mga suporta ay maaaring maging mabigat  na sitwasyon.

Sa programa sa taong ito ng gobyerno ay hindi maaaring hindi banggitin ang kawalan ng reporma ukol sa citizenship ng ikalawang henerasyon sa kabila ng pagiging mahalaga nito sa ilang miyembro ng ehekutibo. “Isang tema na mahalaga para sa akin”, pag-amin sa isang panayam noong Hunyo ni Mario Monti, at idinagdag na hindi ipagsasapalaran ang krisis ng ehekutibo sa pagpupumilit sa Parliyamento sa isyung ito. Kung ang mga mambabatas ay huminto sa temang ito, maging ang pulitika ay hihinto rin at ang tema ay maaaring buksang muli sa sususnod na lehislatura.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Limang kandidatong Pinoy, pasok sa Consulta sa Cagliari

Patuloy ang mga alkalde:18 taong gulang ka, halika sa Comune..